Kiray Celis kinuhang ninang at ninong sa kasal sina Vice, Maricel

Kiray Celis kinuhang ninang at ninong sa kasal sina Vice, Maricel, Mega, DongYan

Ervin Santiago - November 12, 2025 - 04:28 PM
Kiray Celis kinuhang ninang at ninong sa kasal sina Vice, Maricel, Mega, DongYan

CONFIRMED!  Sa darating na December na magaganap ang church wedding ni Kiray Celis at ng fiancé niyang si Stephan Estopia.

Super hands-on ang actress-entrepreneur sa kanyang kasal – mula sa mga damit pangkasal nila ni Stephan,  sa venue at reception ng wedding, hanggang sa pagpa-finalize listahan ng invited guests.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment media ang komedyana sa launching ng kanyang beauty company na Kiray’s Brand, at dito nga siya nagkuwento tungkol sa kanyang nalalapit na wedding.

Sa isang simbahan sa Manila mangyayari ang kasal at in fairness, star-studded ang listahan ng mga ninong at ninang nina Kiray at Stephan.

Sey niya, mga ka-close lang daw talaga niya ang mga kinuha niyang taga-showbiz na naging bahagi na ng kanyang buhay at career.

Baka Bet Mo: Kiray Celis, fiancé agaw-eksena sa Japan shoot bago ang kasal

Kabilang na riyan ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda, Comedy Queen Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo.

Nabanggit din ni Kiray sina Diamond Star Maricel Soriano, Megastar Sharon Cuneta at si Gabby Concepcion.

Inamin ni Kiray na napakagastos pala talaga ang magpakasal. Ang budget lang daw talaga nila ni Stephan ay P500,000 pero habang tumatagal ay palaki raw nang palaki ang gastos nila.

Mabuti na lang daw at marami ang tumutulong sa kanila at ang iba nga rito ay nag-volunteer na sila ang sasagot sa ilang kakailanganin pa nila sa wedding.

Samantala, ilan sa mga produktong ni-launch ng Kiray’s brand ngayong araw, November 12, na kasama sa Skin Vibe line ay ang Singova Bleaching Scrub at Pwettura Bleaching Cream.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, kasama rin sa Kiray’s Brand ang Hot Babe Green Pistachio Matcha at Green Lemon Grass Pandan na siyang nagpapayat at mas nagpaganda ng kutis ng comedienne-CEO.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending