
“ANG ganda ng launching ng body ko, thank you so much!” Ito ang birong sabi ni Kim Chiu sa naganap na “The Alibi” grand launch sa Trinoma Cinema 6 nitong Martes, Nobyembre 4.
Tinanong namin ang aktres na base sa teaser ng “The Alibi” ay nagpakita siya ng skin at paano siya napapayag at hanggang saan ang limit niya o walang limit dahil si Paulo Avelino ang partner niya.
“Siguro naman as a 35-year-old woman tapos na tayo sa 16 years old role na teeny (bopper), pero favorite ko talaga ang mag-teeny-teeny, magpatawa.
“Pero pag tina-track ko ‘yung journey ko dito sa industriyang ito parang nahati ko naman na sa teens, 20s (naisip ko), ano ang ipakikita ko sa aking 30s? I think it’s my skin!” tumawang sabi ni Kim.
Dagdag pa niya, “Pero malaki talaga ang tiwala ko sa Dreamscape as in sila talaga ang naghubog sa akin, Danica (creative manager) hala nakakaiyak (emosyonal na). Hala bakit? Hindi naman siya ginawa (na wala lang), but in artistic way. Medyo mahirap gawin pero, bakit ako naiiyak?
“Gusto ko lang magpakita ng bago. At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role ito na, ito na ‘yun and I want to prove that all of them wrong that I can do more than what they know.
“So, thank you talaga sa Dreamscape and of course si Pau din naman malaking tulong din siya dahil kita ko naman ‘yung respeto niya sa akin and sa mga direktor namin na inaalagaan ‘yung mga shots and ‘yung mga cameraman at sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko, thank you!
“At sa nag-choreo (choreographer) sa akin at sa gym trainor ko, thank you so much pero more than the skin, it’s what inside me and what I want to show to all my supporters and kung magkakaroon man ng bagong supporters maraming salamat po.”
Sayang nasal abas kami nu’ng binasa ang tanong namin kaya hindi kami nakapag-follow-up kung bakit naging emosyonal si Kim? At kung saan siya nanggagaling?
O, baka nagbalik-tanaw siya noong nagsisimula pa lang siya bilang big winner ng unang season ng “Pinoy Big Brother Teen Edition” noong 2006 ay si Sir Deo T. Endrinal (SLN) na ang unang nagtiwala sa kanya para bigyan siya ng sunud-sunod na projects.
Kabilang na riyan ang “Love Spell” TV series, “Sana Maulit Muli”, “My Girl”, “Tayong Dalawa,” “Kung Tayo’y Magkakalayo”, “Minsan Lang Kitang Iibigin”, “My Binondo Girl” at marami pang iba. At take note, bida agad si Kim at never naging support.
Hanggang sa mawala na ang kanyang mentor na si DTE noong 2024 ay plantsado na nito ang “Linlang” at “What’s Wrong with Secretary Kim” na tiyak na inihabilin ang aktres sa Dreamscape executives headed by Ms. Kylie Manalo-Balagtas, Rondell Lindayag, Danica at sa mga direktor.
Maayos katrabaho si Kim, mabait sa mga taga-production kaya deserved niya ang alagang ibinibigay din sa kanya dahil kahit na may pinagdadaanang problema ay hidni naman siya naging major headache sa mga katrabaho.
Anyway, alamin ang masalimuot na sikreto ng mga bida ng “The Alibi” na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula bukas, Biyernes Nobyembre 7). At tuwing Biyernes mapapanood ang bagong episode na mapapanood sa Pilipinas at sa higit 240 na bansa at teritoryo.
Kasama ni Kim sa serye sina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, Angelina Cruz, Alyanna Angeles, Alma Moreno, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ian de Leon, Romnick Sarmenta, Enzo Osorio, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano at Paulo Avelino.
Mula sa direksyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes handog ng Dreamscape Entertainment.