Biazon nagbitiw

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Pangulong Aquino at kaagad nitong tinanggap ang irrevocable resignation na inihain kahapon ni Customs Commissioner Rozzano Ruffy Biazon matapos kasuhan dahil sa pagkakasangkot sa prok barrel scam.

Ilang oras matapos kausapin ni Aquino sa Malacanang, inihayag ni Biazon ang kanyang pagbibitiw sa isang press conference.
Anya, kinailangan na niyang magbitiw mula sa kanyang puwesto para maproteksyunan ang pangulo mula sa mga kontrobersya na ibabato rito kung sakaling hindi pa siya bumaba sa pwesto.

Nais din niya anyang proteksyunan ang mga batang anak mula sa mga pagbatikos kung sakaling manatili siya sa pwesto.
“I resigned to protect my family from the exposure to the hostile controversy, for it will be too much for them to endure,” ani Biazon.

Mariin namang iginiit ni Biazon na ang kanyang pagbibitiw ay hindi “admission of guilt”. “This resignation is to protect the President, save my family from undue stress and prevent anyone to gain something from this issue,” dagdag pa nito.

Anya pa, kaya pa umano niyang manatili sa pwesto ngunit mas nangingibabaw ngayon sa kanya ang maitayo uli ang kanyang dangal.

“I will face the allegations in a proper forum and give way to another leadership who has no question of credibility.”
Serbisyo pinasalamatan

Pinasalamatan naman ni Aquino si Biazon.  “Commissioner Biazon believes that the proper thing to do is to defend himself without compromising his past record, or the ongoing reforms in the Bureau.

He is especially concerned with protecting his family, in particular his children, from the effects of a public controversy,” pahayag ni Aquino, ilang minuto matapos ihayag ni Biazon ang kanyang pagbibitiw.

Noong isang linggo ay sinampahan ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating Congressman na si Biazon at 33 iba pa dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam na pinangungunahan ni Janet Lim Napoles.

Binigyan ng Palasyo ni Biazon ng isang linggo para tapusin ang mga kinakailangan pang gawin sa BOC para masiguro ang maayos na paglilipat ng trabaho sa bagong papasok na bagong Commissioner ng BOC.

“I thank him for his years of service to our administration and the nation. I wish him nothing but the best as he returns to private life,” dagdag ni Aquino.

Hindi naman binanggit ni Aquino kung sino ang ihahalili niya kay Biazon.

( Photo credit to INS )

Read more...