Sulat mula kay E.R., ng Barangay Banglay,
Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Nawalan ako ng trabaho nang ibenta ng may-ari ang pribadong kompanya. Hindi naman kalakihan ang kompanya. Binigyan naman ako ng separation pay at hindi ito maliit dahil matagal din naman akong naglingkod. Ngayon, nabayaran na namin ang aming mga utang at labis ang aming pag-iisip kung itataya sa negosyo ang nalabing pera. Kaya sumangguni ako sa iyo para basahin kung ano ang tamang negosyo sa aming mag-asawa. Oktubre 2, 71 ang birthday ng misis ko at Peb. 1, 1971 ang birthday ko. Sana mabigyan ninyo kami ng magandang ideya kung ano ang angkop na negosyo sa aming mag-asawa na magpapayaman sa amin.
Umaasa,
E.R., ng Barangay Banglay, Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa inyong guhit ng palad kapwa naman kayong nagtataglay ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa inyong palad ng misis mo. Ibig sabihin, tama ang balak ninyong mag-asawa, hindi sa muling pamamasukan, kundi sa pagnenegosyo kayo yayaman.
Cartomancy:
“Marami ang nagnegosyo pero konti lang ang umuunlad at yumayaman” ang nais sabihin ng barahang Five of Spades, subalit ang ikinaganda, na sumunod na dalawang barahang Nine of Diamonds at Ten of Hearts, hindi kayo matutulad sa mga nagnegosyo na nalugi lang, sa halip, sa marugdog o seryoso nyong pagmamahalan at pagtutulungang sinupin ang itatayo nyong negosyo, tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap – ang pagkawa ng trabaho ang magiging sanhi at bunga upang sa susunod na limang taon, unti-unti ng umunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyang yumaman. Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.