Bandera karera tips patok na naman

PATOK na naman ang  mga Bandera karera tipsters nitong nagdaang linggo.

Naging pinakamabisa si Dodie nitong Setyembre 7 nang tumugma ang mga pinoste niyang numero sa mga winner mula race 1 hanggang race 7.

Napili rin niya ang unang tatlong puwesto sa race 1, 2 at 6.

Nitong Linggo naman sa 1st Inquirer Bandera Cup na inilarga sa Sta. Ana Park ay napagwagian ng dehadong si Benissimo ang 1,300-metrong karera.

At dahil dehado ang nanalo, si Dehadista Dante naman ang eksperto ng Bandera dito.
Naiposte ni Dehadista Dante ang numero 8 ni Benissimo sa kanyang tip sa araw na iyon.
Tumutok lang  sa Bandera  karera tipsters para suwertehin.

Read more...