Vina, Manilyn, Slater, Kaye nanawagan ng dasal para sa mga nilindol sa Cebu

Vina, Manilyn, Slater, Kaye nanawagan ng dasal para sa mga nilindol sa Cebu
Vina Morales, Kaye Abad, Slater Young, Manilyn Reynes

NANAWAGAN ng panalangin ang ilang celebrities para sa mga kababayan nilang Cebuanos matapos ang malakas na lindol na tumama sa probinsya nitong Martes, September 30.

Umabot sa magnitude 6.9 ang lakas ng lindol na yumanig sa Cebu, kung saan idineklara na ang buong probinsya bilang state of calamity dahil sa lawak ng pinsala at pagtaas ng bilang ng mga nasawi.

Sa Bogo City, na siyang episentro ng lindol, naitala ang pinakamaraming fatalities.

Isa sa mga unang nagpahayag ng panalangin ay ang batikang singer-actress na si Vina Morales, na tubong Bogo.

Baka Bet Mo: Sofia Andres ninerbyos sa lindol habang may taping sa Cebu: ‘Terrifying!’

“Lord, we lift up Cebu, especially my hometown Bogo, in this difficult time [folded hands emoji]. Protect and comfort everyone affected by the earthquake. May healing, strength and safety cover all [folded hands emoji],” sey niya sa Instagram Story.

Nagbigay rin ng update si Kaye Abad para sa mga kaibigan at fans na nag-aalala sa kanila.

“To my friends who are asking kung kamusta kami, we are ok [folded hands emoji]. Me and the kids are in Manila. My family in Cebu are ok,” wika niya.

Si Slater Young, na nakabase sa Cebu, nagpasalamat sa mga nag-check kung ligtas sila.

“Thank you for the messages and well-wishes. The family is all okay from the quake last night. Praying for our fellow Cebuanos and everyone else affected from the quake,” saad niya sa IG Story.

Ibinandera naman ni Manilyn Reynes ang isang dasal sa sariling wika: “Dear God, palihug, tabangi intawon ang tanan. Daghang salamat,” aniya. (Dear God, please help everyone. Thank you very much.)

Ayon sa Office of Civil Defense, aabot sa 60 indibidwal ang naiulat na nasawi bunsod ng trahedya.

Read more...