Angel, Phil nawalan ng panahon sa isa’t isa kaya naghiwalay, di dahil sa pera


Mukhang madaling nakalimutan ni Angel Locsin si Phil Younghusband. Siguro’y nag-mature na talaga ang attitude ng Kapamilya actress pagdating sa lovelife.

Sa isang interview kay Angel, sinabi niyang nasa moving on stage pa rin siya after nilang mag-break ni Phil. “Wala naman tayong choice but to move on.

Siguro nga, yung iba mas mabigat pa ang pinagdaraanan nila kumpara sa pinagdaanan natin. Wala tayong choice kungdi i-accept, pasa lahat ng mga worries natin sa Diyos at patuloy ang buhay.

“Yes, I’m moving on, patuloy ang buhay—kahit na nasaktan, kahit gumagapang—patuloy ang buhay,” chika ni Angel kasabay ng pagdedenay na pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Kahit kailan naman daw hindi naging issue sa mga nakarelasyon niya ang pera. Inamin naman niya na isang rason ng break-up nila ay time.

( Photo credit to Google )

Read more...