Bea: Bakit ba gusto nila kaming maghiwalay ni Zanjoe?

PINAGTAWANAN lang ni Bea Alonzo ang mga chikang nag-cool off sila ni Zanjoe Marudo. Bago ang balitang ito, nauna nang natsismis na naghiwalay na raw ang dalawa na agad namang pinabulaanan ni Zanjoe.

Ngayon, sa isang event, sinabi ni Bea na isang malaking kasinungalingan na naman ang nasulat tungkol sa kanila. Three years nang magdyowa ang showbiz couple at in fairness naman, wala pa tayong nababalitaang negatibo about their relationship.

“Ewan ko ba, mukha ba akong nakikipag-cool off? Hindi! Ewan ko ba, ba’t gusto niyo kami mag-cool off? Hindi ko alam,” depensa ni Bea.

Hirit pa ng aktres, “Ewan ko ba. Bakit gusto ng mga taong naghihiwalay ang mga tao? Ewan ko, hindi ko rin alam kung bakit nai-issue, wala nga kaming ganun, sana nga meron e, para magka-spice.”

Sey nga mi Bea, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang kanilang samhan, nakakatawa nga raw dahil hanggang ngayon ay wala silang pagtatalo ni Zanjoe, “It doesn’t affect us anymore.

Wala, wala ngang selo-selosan e, nakakatawa,” chika pa ni Bea.

( Photo credit to Google )

Read more...