Jasmine Curtis walang gana sa bagong show ng TV5

MARAMING nakapansing pagod at tila hinahabol ang paghinga ni Jasmine Curtis Smith sa 2nd live episode ng SpinNation ng TV5 noong Sabado ng gabi na ibang-iba sa pilot episode last week.

Kami rin ay nagulat na parang hindi alam ni Jasmine ang mga sasabihin dahil halatang nangangapa siya at hinihintay ang sasabihin sa kanya. Bagama’t lively pa rin ang pagkaka-host ng teenstar ng SpinNation ay mapapansing parang napipilitan lang siya.

Sabagay, mahirap mag-host nang live at marahil pagod si Jasmine o kaya wala sa mood kaya ganu’n ang resulta ng trabaho niya. Teka, nasaan na ‘yung miyembro ng Juan Direction na kabatuhan niya noong nakaraang Sabdo para hindi halatang nangangapa siya?

Hindi kakayanin ng dalagita ang mag-isang dumadaldal dahil talagang kakapusin siya sa isang oras na palabas. First time niyang magkaroon ng solong live program at hindi pa siya sanay kaya kailangan may co-host siya.

Naka-exclusive contract ba ang special friend niyang si Sam Concepcion sa ABS-CBN? Kung hindi, baka pwedeng kunin ng TV5 para mag-guest co-host sa show.

Samantala, maraming nag-aabang kung saan naman ang next gimikan na pupuntahan ni Gee Canlas sa Sabado, Dis. 7.  Basta ang alam namin ay bandang Quezon City ulit na isang community na maraming kainan tulad ng Eastwood City kung saan sila nagpunta noong Sabado.

( Photo credit to Google )

Read more...