Lino Cayetano umalma sa kapatid: Let’s not normalize corruption

TAHASANG kinontra ng direktor na si Lino Cayetano ang mga pahayag mg kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano patungkol sa corruption.
Nitong Linggo, September 14, naglabas ng pahayag si Sen. Alan sa kalagitnaan ng mga kontrobersiya ng katiwalian ngayon sa gobyerno.
“As a people, I’m not pointing fingers. We’re all guilty from vote buying to cheating, stealing and lying. What matters is repentance,” saad ng senador.
Agad naman itong kinontra ni Direk Lino sa pamamagitan ng isa ring mahabang post.
Baka Bet Mo:
Bandera IG
Saad ni Direk Lino, “Hindi po ako agree dito. These are the kinds of statements from traditional politicians that spark anger.
“Kaya nag rerebolusyon ang GenZ at Millennials around the world. This is NOT OK.”
Ani Direk Lino, bagamat maraming politiko ang gumagawa ng katiwalian o maging ang ilang indibiduwal pero marami pa rin ang lumalaban nang patas sa buhay.
“Ang gusto ng nakararami ay maayos lang na buhay — wag maipit at mabiktima sa galaw ng mga makapangyarihan.
“Hindi likas ang magnakaw, bumili ng boto, magsinungaling, at hindi din solusyon at absolusyon ang pag ‘repent’ lamang,” pagpapatuloy ni Direk Lino.
Kinakailangan raw na mag-resign ang mga nakaupo at mapalitan ng mga bagong lider na mangangasiwa sa bansa.
“For those who will ‘repent’, we need confessions and reform — sabi nga ng isang magaling na bagong cabinet secretary, hindi lang kaso — isoli ang pera ng tao — ituloy ang reporrma at tumulong ihanda ang susunod na set of leaders to lead our country the right way.
“Let’s not normalize corruption. Let’s fight it!” giit ni Direk Lino.
Tila mas umiigting pa ang hidwaan ng magkapatid at patunay ang pagkontra ng direktor sa nakatatandang kapatid na hindi pa rin sila nagkakaayos.
Matatandaang inamin ni Direk Lino nung 2024 tungkol sa away nilang magkapatid kung saan sinabi niyang mula 2022 ay hindi na sila nag-uusap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
