MAGKAHALO ang emosyon ni Bianca Gonzales sa nalalapit na pagtatapos ng showbiz news programa nila ni Boy Abunda gabi-gabi sa ABS-CBN nu’ng sadyain namin siya sa Tuesday edition ng Showbiz News Ngayon. Inamin ni Bianca na nalulungkot siya sa pagkawala ng SNN.
Naging bahagi na raw kasi ng buhay niya ang SNN. That night, hindi pa raw niya ma-imagine ‘yung gabing darating na biglang wala na siyang pupuntahan na SNN. Naging host siya ng SNN for more than one year at marami na raw ang nangyari sa buhay niya dahil sa show nila ni Boy.Narito ang kabuuan ng exclusive interview namin kay Bianca.
BANDERA: Anu-ano ang dahilan bakit sobrang me-morable sa ‘yo ang SNN?
BIANCA GONZALES: Aside from the obvious fact na ibang klase ‘yung honor na mabigyan ka ng show na ikaw lang at katabi mo ‘yung King of Talk, ang laki-laking bagay na nu’n. But at the same time, lagi kong sinasabi na biggest unexpected dream ko ang SNN kasi host ako hindi naman po ako aktres so, never kong pinangarap magka-show ako sa primetime.Kasi wala namang talk show sa primetime puro drama. So, to have SNN was really a big blessing and also too sad ako parang mas thankful na rin ako kasi feeling ko I grew up as a host, mas nakilala ako ng mas marami pang tao at saka napakagandang show kasi para sa akin ng SNN. So, blessing talaga siya sa buhay ko.
B: Kung si Boy ay mapupunta sa late evening news program na Bandila, ikaw naman ay nababalitang babalik sa dati mong Sa-turday afternoon show na Entertainment Live!, ano’ng masasabi mo?
BG: I always tell tito Boy everyday na hindi ko talaga ma-imagine kung ano ang magiging format ng bagong Bandila. Pero isa ako sa mga nae-excite kasi kapag ini-explain ni Kuya Boy pati siya nae-excite rin. Siyempre as a host wini-wish ko na mas mabigyan rin ako ng maraming opportunity lalo na konti lang naman kaming host dito sa ABS-CBN. But at the same time kung alam ko na it’s meant para sa akin, like itong SNN, never in my wildest dreams na pwede akong magka-show ng ganito pero nangyari. So, wini-wish ko pero kung darating, ibig sabihin, meant siya talaga sa akin.
Regarding E Live, yeah, babalik ako. I think I’m allowed to say it. Oo, babalik ako. I’m happy to be reunited kay Luis (Manzano), kasi lubusan ko ring na-miss na makatrabaho si Luis.
B: Anong paghahanda o ano ang ina-anticipate mo sa pagbabalik ng E Live!?
BG: Ah, ibang-iba kasi ibang-iba rin ang image ng SNN sa E Live!. And so, I will have time to prepare. Mas magiging punumpuno siya. ‘Yan ang alam ko dahil ang SNN bilang balita kami bawat isang gabi, imadyinin ninyo lahat ng balita sa isang linggo malalagay lahat sa E Live!? Kung madadagdagan siya ng oras? That I don’t know yet.
B: Pagkatapos ng SNN, maa-assess mo ba kung saan na patungo ang career mo sa showbiz?
BG: I think lahat whether host or actor or singer, I think lahat dumadaan sa ganu’n. And para sa akin, oo, siyempre napapa-isip ako ngayon pero healthy ‘yun para sa akin. Kasi kung hindi, ibig sabihin kampante ka. If sabihin parang steady ka lang. E, dapat hindi. Dapat patuloy mong pinapagbuti ang trabaho mo, you strive for more, you dream for more.
Isa ‘yung way na ma-asses mo kung ano talaga ‘yung pwede mong paglagyan in your career. And marami namang dumarating na blessing. Just recently, nag-guest editor ako sa Meg magazine. So, parang feeling ko malaking blessing din ‘yun, another venue, another career venue ‘yun para sa akin na feeling ko hindi kakumpetensya sa trabaho ko as a TV host bagkus mas magco-compliment pa nga kasi parang bilang editor makakadagdag ‘yun sa authority, ng credibility ko sa tao.
B: Nasa cover ka rin ng isang isang fashion magazine, tama ba?
BG: Ah, yeah, I’m in the cover of Mega magazine, nu’ng nagpunta kami sa Russia. Parang kapatid na magazine ‘yun ng Meg, ‘yung nag-guest editor ako, pamilya rin. Lalabas ‘yung in-edit ko na magazine this month. Si Empress (Shuck) po ‘yung co-ver.
B: How’s your experience being a magazine editor?
BG: Challenging! Nagka-day job ako bigla. As in, pumapasok ako, nag-o-office ako three to four times a week. Nagpupunta ako sa mga shoot, inaayos ko ‘yung damit ng model, nagsusulat ako, lahat. Nagko-copy editor ako. Alam na alam ko na ‘yung feeling. Tsini-tsek ko ‘yung mga picture. Nu’ng nakuha ko ‘yung magazine nu’ng naka-print out na, sobrang emotional.
Iba ‘yung fulfillment ng job na ‘yun and I feel ‘yun nga makakatulong sa akin. Nakakatuwa nga, like kunwari I shot with Empress, nagugulat sila. Ti-natanong nila kung ano ang ginagawa ko roon? Kung magpi-pictorial din ako? Hindi,
editor ako. Nagulat silang lahat. So, ‘yun another facet. Kasi alam ko naman na hindi ako aarte, hindi ako kakanta. Hindi ko talent ‘yun. Hindi ko talaga kaya ang umarte, e. E, bilang talent ko naman magsulat, mag-ma-nage, ‘yun ‘yung bago kong pinasok.
B: Gusto mo bang ituloy ang pagiging editor ng magazine?
BG: Ah, we’ll see. Parang kasi nagustuhan ko ‘yung ibang klaseng challenge.
B: Paano ka naman nakuha para maging modelo at i-pictorial sa Russia?
BG: Hindi ko rin alam. Sabi ko nga sa kanila, ‘Ha? Totoo? Sigurado kayo kinukuha ninyo ako?’ Tapos sagot nila, ‘Oo, magsu-shoot kayo sa Russia.’ It was an honor kasi usually ngayon puro actor, artista lang ‘yung nasa cover ng magazine. Honor siya and for me nakuha ko rin, they compliment each other talaga kasi nakuha ko ‘yung issue na ‘yun September, kasi ‘yun lagi ‘yung month ng big fashion issue, e, nakuha ko ‘yun dahil sa SNN. Kasi kung hindi rin sa SNN where I can wear local designs, hindi rin siguro ako makukuha doon.
B: Gaano ka katagal sa Russia?
BG: Two and half days lang kami doon. One whole day ‘yung shoot. Tapos ‘yung isang araw nakapag-ikot-ikot ako.
B: Anu-ano ang naging experiences mo sa Russia?
BG: Maganda, surreal. Parang ‘yung mga nakikita ko lang sa pelikula, sa news, sa picture, nakita ko na in real. Nakapag-collect na naman ako ng tumbling shot, lahat.
Oo, nagko-collect na ako niyan. Every time I travel doon sa landmark magpapa-picture ako na tuma-tumbling. Marami na rin akong na-collect na shots. More than 50 na pero some kasi marami for one city. Hindi naman one per city. Nag-start din lang ako 2008 lang din. Pero ‘yung lahat ng trips ko before, wala. Sayang nga, e.
Naisip ko ‘yung tumbling kasi gymnast ako nu’ng bata ako. Taray! Kung ‘yung iba mag-collect ng sticker, magnet, ng poster, ako tumbling ang kinu-collect ko.
B: What about the Russians? May na-meet ka ba doon na guy?
BG: Oo, marami rin ang nagi-English, ha. Fairly enough. Ah, magaganda at guwapo ang mga tao, in fairness. Wala akong na-meet na Russian. Puro work, tapos uwi na. Kasi hindi naman ako pwedeng mawala sa SNN.
B: Ano ang reaksyon ng nababalitang boyfriend mo na si JC Intal sa pictorial mo sa Russia?
BG: Proud na proud siya nu’ng makita niya ‘yung magazine. Definitely, bumili siya. It came out kasi just last Thursday in some stand. ‘Yung pinakita sa SNN last Monday, that was a sample complimentary.
B: Kumusta naman kayo ni JC?
BG: Okey naman. Oo, happy. Wala akong, bago pa lang kami. Oo, just a few months. So, steady lang. Busy siya, busy ako. Busy siya sa praktis nila kasi everyday. Kung kami sa TV walang holiday, mas wala rin sila. Pero nakakapag-date naman kami. Whenever we have free time.
B: Ano ang kaibahan ni JC sa mga nakaraan mong karelasyon?
BG: Ano, feeling ko lang pareho kami, may dinaanan na rin siyang relationship in the past and ako rin. So, feeling ko mas ano lang kami realistic, mas praktikal. ‘Yung you get more mature. Okey lang at hindi masyadong dina-drama tulad ng dati. Pareho kaming gustong may maabot in our respective careers. We’re supporting each other.
He’s a very, very good man. I think on both our sides, ayoko pa ring isipin ‘yung pagpapakasal. Malayung-malayo pa ‘yun sa isipan ko not because hindi siya mabuting tao. Sobra siyang good, wala akong masabi.
B: Do you see yourself getting married with JC anytime soon?
BG: Not anytime soon. I don’t know when it is. Syempre kahit ano’ng relationship that you’re in umaasa ka lagi na ‘yun na ‘yung pang-matagalan. Pero ang dami ko na ring times na na-heartbroken. So, parang hindi mo na sinasabi ‘yung ganu’n. Kung dumating, e, ‘di good. Kung hindi, may parating.
B: But what if i-surprise ka ni JC at mag-propose bigla ng kasal?
BG: Nakakaloka! Maloloka ako! Wala matagal pa ‘yun sa isipan ko talaga.