Mommy Dionisia makakarma sa paggamit sa Diyos at Mahal na Birhen para makaganti sa BIR


Hindi nila alam na ang may kasalanan talaga rito ay si Manny. Kasi nga, kulang talaga sa edukasyon ang bansang ito, madali silang ma-sway ng mga celebrities.

Hindi na sila nag-iisip. Kung anong sinasabi ni Manny ay gospel truth na sa kanila. Kayo ba naniniwalang P1.1 million lang ang pera ni Manny sa bangko?

Itong huling laban lang niya, ilang bilyon na naman ba ang kinita niya? Baka nag-ingay lang si Manny para makaiwas magbigay ng balato sa mga umaasa sa kanya.

“Ibig niyang sabihin, kung hindi pa siya nanalo sa laban kay Rios ay hindi siya magdu-donate sa Yolanda victims? Hindi naman kahapon lang naganap ang bagyo ah, magti-three weeks na kaya.

Kung talagang gusto niyang mag-donate, noong kasagsagan pa ng bagyo dapat niya ginawa. Ano ang katwiran niya at ng kampo niya – kasi nasa gitna siya ng rigid training para sa laban kay Rios?

Ibig sabihin, secondary lang sa kanya ang typhoon victims, or baka ginagamit nga lang niya itong excuse para makakuha ng simpatiya sa taumbayan dahin sa pagka-freeze ng measly P1.1 million niya sa dalawa niyang accounts.

“Kaya tumigil nga si Pacquiao, huwag niyang gamitin ang sitwasyon natin, ngayong panahong imbyerna ang mga tao sa pamahalaan para makapambola ng public.

He is so vicious, akala niya ay nakaisa siya. Hindi siya tatantanan ng BIR on this. Huwag niyang hintaying mas marami pang ipa-freeze ang BIR sa mga properties niya. Huwag siyang magmatigas.

This is something legal at dapat niyang harapin. Bakit? Babahaginan ba kayo ni Pacquiao sa bilyon niyang kita kay Rios?
“Yes, nakapag-uwi siya ng konting karangalan sa bansa natin by winning that match pero mas malaking karangalan ang naidulot niya sa sarili niya dahil galing siya sa ilang talo.

He just uplifted his spirits and made more money. Kaya huwag kayong masyadong manghimasok sa problema ni Pacman. Lahat naman tayo ay ganoon, di ba?

We pay our taxes, that’s how the government runs and that’s legal,” mahabang paliwanag ng isang kaibigan naming accountant.
Tama! Alam ninyo kasi,  meron talagang nag-i-exist na tax treaty between the Philippines and US.

In fairness naman kasi sa BIR, iniingatan nilang magdoble ang pagbayad ng mga citizens of this country ng mga buwis tulad nitong sitwasyon ni Pacquiao.

Ang request lang ng BIR, he has to submit the necessary documents para mapatunayang bayad na nga siya sa Amerika para ma-waive siya sa taxes niya rito for such.

At pakisabi kay Mommy Dionisia na tigilan na ang kagagamit sa pangalan ng Diyos at Mahal na Birhen para isumpa ang BIR, that’s against the law of God.

Kung napapansin ninyo, parang sa kanila bumabalik ngayon ang tinatawag nating karma. They win some pero they start to lose more. Napansin lang namin. Nakakatakot iyan ha. Something must be wrong somewhere.

( Photo credit to INS )

Read more...