Kristine Hermosa matanda na para gumanap na Dyesebel


Kumakalat sa ABS-CBN compound na si Kristine Hermosa raw ang gaganap na Dyesebel, trulili kaya? Kumakain kami sa isang restaurant sa Quezon City kamakailan at narinig naming pinag-uusapan ng taga-production na si Kristine daw ang gaganap na Dyesebel bilang pagbabalik niya sa telebisyon.

Matagal na raw kasing inaalok na magbalik-TV na si Kristine pero hindi niya type ang mga ino-offer na project sa kanya. Pero itong Dyesebel ay type raw ng tisay na aktres.

Anyway, nakinig kami sa usapan ng grupong yun at ito ang naging takbo, “Uy, alam mo ba si Kristine pala ang Dyesebel? Di ba parang ang tanda na niya?”

Sagot ng kausap, “Oo nga, e, pero aminin mo, may asim pa ang lola mo at ang fez, aminin, ganda talaga, maamo, e, di ba ang Dyesebel ganu’n, parang si Alice Dixson lang dati?”

Tugon naman ng isa pang kausap, “Infairness, bagay naman talaga kay Tin ang Dyesebel, ang tanong, hindi kaya maging sakit ng ulo na naman siya, remember ‘yung huling serye niya? Naloka ang lahat.”

At sabay-sabay nag-apir ang tatlong nagtsitsikahan at sabay sabing, “Ayaw ng Prinsesa ng Banyera. Ha-hahaha!” Oo nga pala, ang huling programa ni Tin ay ang Prinsesa ng Banyera kasama sina Angelika dela Cruz, Ara Mina, Andrea Eigenmann (Andi) at si Oyo Sotto ang leading man noon ng aktres na asawa na niya ngayon.

Tinanong namin ang publicist ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut kung si Kristine na ang Dyesebel, “Naku, wala po talaga akong idea. Top management level po ang nakakaalam,” sabi sa amin.

( Photo credit to Google )

Read more...