Pobre sa trabaho | Bandera

Pobre sa trabaho

Joseph Greenfield - December 01, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Lagi akong puyat sa trabaho dahil panggabi ang trabaho ko. Ako po’y 24-anyos na pero nang dahil sa labis na pagpupuyat at mas matanda ang anyo ko. Pero, kontento na ako kahit mahirap ang trabaho. Mas mahirap kung wala ako trabaho. Ako’y may lisensiya sa aking propesyon pero hindi ito ang aking trabaho. Saan ba ako yayaman? Sa abroad? Sa kasalukuyang suweldo ay hindi ako yayaman.
Umaasa,
Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ka yayaman sa trabaho, bagkus yayaman ka sa negosyo, ay iyan ang nais sabihin ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, gamitin mo lang ang kasalukuyan mong trabaho upang makaipon ng puhunan. Kapag may puhunan ka na, subukan mong magnegosyo na may kinalaman sa natapos mong kurso. Makikita mo sa ganyang paraan – ikaw ay yayaman.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nakipag-boyfriend ka naman, siya ay may kaya sa buhay o mayaman, sa ganyang paraan, preparasyon sa pagyaman, dahil ang boyfriend mo ay may kaya sa buhay, mas madali kang yayaman.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending