Heart Evangelista kinukuwestiyon ang kayamanan pati buwis

Heart Evangelista kinukuwestiyon ang kayamanan pati pagbabayad ng buwis

Therese Arceo - September 06, 2025 - 11:45 AM
Heart Evangelista kinukuwestiyon ang kayamanan pati pagbabayad ng buwis

ISANG abogado ang kumukuwestiyon ngayon sa pagmamay-aring yaman ng actress-socialite na si Heart Evangelista.

Sa panayam kay Atty. Jesus Falcis, inamin nito na curious siya kung nagdedeklara nga ba ng kanyang yaman ang aktres sa Bureau of Internal Revenue (BIR) gayong todo flaunt ito ng kanyang lavish lifestyle sa social media.

Ngayon kasi ay naiuugnay ang pangalan ng asawa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero sa isang kontrobersyal na contractor ng gobyerno.

“No offense to her, ano ‘to, hindi ‘to personalan. But factual lang. Ano bang mga blockbuster movies niya? Ano ba ‘yung pinakamahal na endorsement niya na malalaking higanteng korporasyon?” tanong ni Falcis.

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach, Heart Evangelista inintriga na naman sa SONA 2025

Aniya, kung totoo na malaki ang kinikita ni Heart mula sa kanyang mga endorsements, dapat ay kasama siya sa listahan ng mga top taxpayers ng BIR.

Lahad ng abogado, “Of course marami siyang endorsement… kasi if madami kang endorsement like si Vice Ganda, Kathryn Bernardo even si Daniel Padilla kumonti na nga ‘yung endorsement niya eh pero nasa top taxpayers pa din ng BIR.

“Ang top taxpayer ng BIR kasi, when you are an individual who pays income tax, lalabas ka diyan eh. Lalabas ka diyan at ang endorsement o brands isa ‘yan sa number one source bakit nagta-Top 1 ang isang artista kasi hindi ‘yan natatago, nagdi-disclose ‘yung corporation, ino-audit ‘yan ng BIR.”

Chika pa ng abogado, hindi matatago ng mga celebrities pati na rin ng mga korporasyon ang pagkuha sa mga artista at mina-match ng BIR ang endorsement fee na ibinayad at natanggap.

“Hindi matatago ng corporations, kinuha namin si Vice Ganda, ito ang TF niya or ang kanyang endorsement fee. So si Vice Ganda, ima-match ‘yan ng BIR… kaya hindi puwedeng magka-misdeclaration, nagde-declare nang tama itong mga taong ito.

“Ang question ko lang naman kay Ma’am Heart, if totoo na madami siyang endorsements, if matataas ang mga value ng endorsements na ‘to, bakit never pa siya lumitaw sa top taxpayers?” nagtatakang tanong ni Falcis.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang aktres hinggil sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Chiz at Heart hinggil sa mga tanong ng abogado sa kanyang mga binabayarang buwis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending