Kylie Padilla tinitipid ng GMA 7, costume sa Adarna tira-tira lang daw sa Mulawin?

Bigla kaming naawa kay Kylie Padilla when we read na recycled ang costume niya sa isang fantaserye na pinagbibidahan niya sa number two network in the country, ang GMA.

Sinasabing tira-tira sa Mulawin costume ang ginamit ni Kylie for her  role. True kaya iyon o intriga lang? Kung true, aba sobra talagang nagtitipid ang GMA 7.

Well, hindi naman masama ang magtipid kaya lang dapat ay handa rin silang mabatikos. Si Kylie kasi ay anak ni Robin Padilla kaya hindi siya basta-bastang aktres.

Kumbaga, meron siyang showbiz lineage na de-kalibre. Kung totoo ngang recycled ang ipinagamit na costume kay Kylie ay parang binastos na rin nila ang aktres.

Mga twice or thrice naming napanood ang episode ng soap ni Kylie at talagang hindi namin matagalan ang special effects, very THIRLD WORLD at hindi SEAMLESS!

( Photo credit to Google )

Read more...