Bea nagsasanay sa paglangoy bilang Dyesebel; Anne naetsapwera


SI Bea Alonzo na nga ba ang bagong Dyesebel?  Me kumalat kasing video ni Bea where she was seen swimming in a swimming pool.

With that ay nagkaroon ng mga espekulasyon na siya na nga ang magbibida sa bagong fantaserye ng Dos. Hindi pa alam kung ang naturang video na nagpapakita sa galing ni Bea na mag-swimming ay in her preparation na for the much-coveted role na talagang pinag-aagawan ng mga female stars.

Actually, it was not only Bea who is being rumored na gaganap sa iconic character. Nauna naming nasulat ang tsismis about the possibility of  Kristine Hermosa playing the role.

But there was kinda one spoiler who on social media revealed that it is Anne Curtis who is about the play the mermaid role.
Hindi kaya pinakalat lang ang mga chismis na ito para ma-feel ng ABS-CBN kung sino ang gusto ng mga tao sa social media na gumanap sa character.

Para bang pinupulsuhan nila ang gusto ng masa. For us, Bea and Anne could give justice to the role, pero kung ang katawan ang magiging basehan, mas lamang pa rin si Anne kesa kay Bea.

( Photo credit to Google )

Read more...