Lars Pacheco nag-cheat kay Clyde: I couldn’t stand it anymore

UMAMIN ang social media personality at konteserang si Lars Pacheco sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ng longtime partner na si Clyde Vivas.
Kasunod ng kanyang public announcement nitong August 20, isang video naman ang ibinahagi niya ngayong araw upang linawin ang mga detalye nv kanilang break-up.
“I’m doing this for my own peace so I could move forward. We can move forward. Makausad ang dapat makausad,” panimula ni Lars.
Pagpapatuloy niya, “It was beautiful 7 years but hindi na kasi pwedeng magpatuloy pa ‘yung pitong taon na ‘yun.”
Baka Bet Mo: Clyde Vivas kay Lars Pachecho: Nawalan ka na ng pagmamahal, nagsawa ka na
Ang dahilan ni Lars kung bakit pinili niyang umalis at wakasan ang matagal na nilang relasyon ni Clyde ay dahil sa kanyang panloloko.
“I cheated on him— once, twice, thrice. And I couldn’t stand anymore seeing him loving me so much and all I can do is give him pain so I decided to end it up.
“I really wanted to confess everything that I did because all this time, he know that I’m being faithful and all,” pagbabahagi ni Lars.
Aniya, nais niyang tapusin na ang relasyon hindi para makalaya bagkus para mapatawad nila ang isa’t-isa.
Hindi rin maituturing na aksidente ang mga ginawa ni Lars pangloloko sa karelasyon dahil pinili niya itong gawin, na siyang rason bakit nagdesisyon siyang makipaghiwalay.
“I couldn’t stand to be with Clyde knowing that I have feelings for others. Ang daming nagsasabing sayang ‘yung 7 years… pero hindi ko alam kung dapat ba akong manghinayang or ‘yun ba yung dapat kong panghawakan, ‘yung tagal? Kaysa sa tunay kong nararamdaman.
“Mahal ako ni Clyde, more than he loves anybody else. Hindi ko kung may makakabigay pa ba sa akin nun pero hindi ko na kasi kayang suklian ‘yung love na handa niyang ibigay sa akin. Ayoko na maging unfair sa kanya,” sabi ni Lars.
Sa huli ay hiling niya na sana’y mapatawad siya ng dating karelasyon sa mga nagawa niya at hiling rin niya ang pagpapatawad sa kanyang sarili sa mga nagawang mali.
“I hope na mapatawad ako ni Clyde and sana mapatawad ko rin ang sarili ko,” sey ni Lars.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
