Bea Borres may paalala: ‘Being a young mom shouldn’t be normalized’

Bea Borres may paalala: ‘Being a young mom shouldn’t be normalized’
PHOTO: Facebook/Bea Borres

ILANG araw matapos kumpirmahing buntis, nagbigay ng seryosong paalala ang social media personality na si Bea Borres.

Sa Facebook, inamin ng aktres at content creator na hindi siya handa sa biglaang pagbubuntis, kaya siya ay dumaan sa emosyonal at mental struggles bago tuluyang matanggap na magiging ina na siya.

“I just wanna share the importance of having a great support system…This has been a long journey of acceptance because I was facing it alone at first, but there’s nothing I want more now than to finally meet my baby,” sey niya sa post.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Bea ang kanyang pamilya at mga kaibigan na naging sandalan niya sa proseso. 

Baka Bet Mo: Bea Borres sa pag-amin ni Meray Yamada: ‘I never revealed na siya ang dad!’

Ayon pa nga sa kanya, napakaswerte niyang may mga taong hindi siya iniwan.

Ngunit kahit may suporta siya, nilinaw ng dalaga: “I just want to make it clear that being a young mom shouldn’t be normalized.”

At para sa kanyang young followers, idinagdag niya pa ang isang paalala: “To my young girl audience, please always practice being safe. I just really got lucky because I have a great support system.”

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fweb.facebook.com%2Fbeaaborres%2Fvideos%2F1308447137286853%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Samantala, matapos ang mga usap-usapang tila kinumpirma na rin niya nang bahagya ang identity ng ama ng kanyang magiging anak, nilinaw ni Bea na hindi sila nagko-co-parenting.

Matatandaang maraming Marites ang nag-imbestiga kung sino nga ba ang ama ng dinadala ni Bea dahil never itong nagbanggit kung sino ang nakabuntis sa kanya.

At gaya ng inaasahan, mabilis na natukoy ng “matanglawin” na netizens ang ex-boyfriend niyang si Meray Yamada bilang sinasabing ama ng kanyang baby.

Kausnod niyan ay naglabas ng pahayag si Meraysa pamamagitan ng isang TikTok comment na deleted na umano. 

Sinabi niya na hindi niya tatakbuhan ang anak at nangako pang magiging “best father” siya, kalakip sa pagbubunyag ng gender ng anak dahil sa salitang “daughter.”

Sa huli, humiling si Meray ng privacy at hiniling na bigyan sila ng pagkakataon para ayusin ang kanilang sitwasyon.

Read more...