PUNUMPUNO ng mga mga produkto na ine-endorse ni Kris Aquino ang 55 Events Place na pinagdausan ng grand presscon ng “My Little Bossings” (nawala na ang Torky’s sa title) – parang fiesta carnival ang ambiance – from laundry soap to loaf bread to sardines to ice cream to shampoo and everything.
Hindi mo alam kung pag-show-off ito ng sandamakmak na endorsement ng presidential sister ninyo. Nakakaloka. Pati pagkaing inihanda, parang galing din yata sa endorsements. Yung hotdogs parang galing sa Pampanga’s Best, pati spaghetti ine-endorse din yata ni Kris.
Nakaupo sa presidential table sina Kris, Bossing Vic Sotto, Aiza Seguerra, Direk Marlon Rivera at ang dalawang bagets stars ng film na sina Ryzza Mae Dizon and Bimby Yap. Siyempre, puro si Kris na naman ang nagkukuwento about everything sa pelikula – ang pagpapa-cute nito as a stagemother sa anak niyang bida sa movie.
Kung paano niya masyadong pinakialaman ang bawat cameraworks ng direktor sa mga eksena ng kaniyang anak. Inamin naman niya na naging makulit siya sa shooting lalo na sa tuwing kukunan na si Bimby. Nakatutok din daw si Liz Uy para sa hairstyle at make-up ng bagets at isang designer na nakatutok sa suot ng anak.
In short, isang malaking kayabangan na naman sa pag-flaunt ng kayamanan na nakatago sa maliit na humility eclat with a very Kris Aquino tone. Very, very Kris ang hanging malalanghap mo sa buong kapaligiran kumbaga.
Ikinuwento rin ni Kris kung paano sumuporta ang mga endorsements nila ni Vic sa buong production ng film. May narinig kaming P100 million worth of TV spots placement daw ang ibinigay ng kanilang mga commercials para sa kanilang 2013 filmfest entry. Hindi ba maliwanag na overspending ito para sa isang MMFF entry? Kakaloka at nakakalula.
Sa gitna ng trahedya na katatapos lamang sa Taclocan at ibang karatig-lalawigan, heto ang isang Kris Aquino who talked so much about money spent sa kanilang filmfest entry. Hindi na ito pleasant pakinggan dahil pati trust fund niya for her son ay ibinuyangyang na naman niya.
“Huwag lang daanin sa pambabraso ng mga kaalyado nilang pulitiko, malamang na hindi iyan kikita. Hindi ba’t ilang taon nang napapabalitang inoobliga ng administrasyon ang mga mayors and other public servants to sponsor blockbuys sa entries ni Kris kaya ito consistent na nangunguna sa takilya?
“Hindi na siguro uubra ito this year kasi marami na ang galit sa kuya P-Noy niya. After magutom ang maraming typhoon victims dala ng kabagalan sa kanilang relief operations, malamang na may tulog ito. The film naman is very ordinary, iikot ang istorya kina Bimby at Ryzza – hasus! Ryzza is cute pero si Bimby, guwapong bata pero wala pa. It will take time pa bago ito matutong umarte.
“Okay na yung makatikim siya ng slice of being in showbiz. At nakita niyo naman sa trailer ng movie, Kris looks like she’s playing herself, kahit sa pagbato ng dialogues, puno ng kaartehan. Typical of Kris. Kungsabagay, hindi naman naging aktres ang babaeng iyan ever since, di ba? What do you expect? So, saan magmamana ng pagiging mahusay na artista si Bimby, aber?” pagtataray ng isang katabi ko sa mesa.
I agreed immediately dahil nang mapanood ko nga ang trailer, wala akong nakitang acting sa parte ni Kris. Very hamonada pa rin kumbaga. Kungsabagay, ito ang entry na fun-fun lang. Huwag mong hanapan ng substance sa mga nagsisipagganap.
Nang tanungin si Vic Sotto kung bakit napapayag itong si Marlon Rivera ang magdirek at hindi si Tony Y. Reyes na dekada nang nagdidirek ng bawat pelikula niya ay hindi nito masagot ng makatotohanan ang tanong – kesyo nang sabihin daw sa kaniya ni Kris na gusto nitong si Marlon ang magdirek ng “My Little Bossings” ay pinanood daw muna niya ang “Babae Sa Septic Tank” na obra nito and rightafter he immediately called (or text ba?) Kris and approved of him.
“May magagawa ba siya eh co-producer niya rito si Kris? Pag tumanggi siya baka tamarin si Kris na gamitin ang powers niya to make the movie number one sa box-office. Alam niyo naman itong si Vic, isang negosyante at kalahati rin. Puro pera-pera lang naman ang laman ng mga utak ng mga iyan, eh,” dagdag pa ng kausap namin.
No doubt about Aiza, Ryzza, Jaclyn Jose, and even Vic as actors – Bimby may just shine here dahil sa kaniya iikot ang movie, wala naman silang choice kungdi ang pagandahin lalo ang role ng bata. Di ba’t nawala na nga si Torky (Vic) sa title – para mapapayag mo ulit si Bossing na alisin sa title ang karakter niya sa movie, malaki ang balik niyan.
Kaya nakakatamad na talaga ang movie industry natin kasi nga may mga tao like Kris who wants to control the system. And for all you know ay nailalakad na nila ang pag-uwi ng major awards for this film. Kahit magpustahan pa tayo, tiyak na may award si Bimby. Ha-hahaha! What powers can do?!
Good luck na lang sa “My Little Bossings”. Kungsabagay, in the bag na naman ‘yan as far as box-office returns is concerned. GOOD LUCK na lang pala sa other entries. Iyon pala ang dapat nating ipagdasal.
Still on Kris and Vic, nang tanungin sila kung naging sila ba noon, itinanggi nila ito pareho. Good friends lang daw sila. O, di sige, friends lang!