Night differential

HI Madam,
Isa po akong factory worker. Pang night shift po ako.

Gusto ko lang pong itanong sa DOLE kung ilang percent ang dapat idagdag sa night differential.

Palagay ko po ay kulang ang ibinibigay sa king sweldo.

Ano ang mga guidelines patungkol sa night differential, overtime pay at allowances.

Pakisagot po.

Salamat.

Jane

REPLY: Ang work day ay tumutukoy sa anumang araw na ang isang empleyado ay regular na nagtatrabaho, ang hours of work o oras ng pagtatrabaho ay tumutukoy naman sa oras na ang empleyado ay aktwal na nagtatrabaho o hinihiling na nandon siya sa duty o sa lugar na kanyang pinagtatrabahuhan.

Ang normal hours of work ay 8 oras, kasama sa 8 hrs ay ang break o ang rest period o coffee break na hindi dapat umabot ng 1 oras pero hindi kasama ang meal period na hindi naman bababa ng 1 oras.

Ang sinumang manggagawa ay dapat lamang bayaran ng kanyang employer sa lahat ng oras ng kanyang ipinagtrabaho

Kung ang isang empleyado ay nagtrabaho sa pagitan ng 10 pm hanggang 6am siya ay entitled sa night shift pay karagdagan sa kanyang regular na sweldo.

Kapag siya naman ay nagtrabaho ng mahigit sa 8 oras sa isang araw entitled naman siya sa overtime pay.
Kung hindi tatalima ang sinumang employer dito, malinaw na sila ay may violation o paglabag at maaari silang maharap sa kaso alinsunod na rin sa labor code.

Nicon
Fameronag
DOLE, director for communications

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...