Angel binaboy sa isang website, tinawag na ‘bulok’ at ‘botcha’

ANGEL LOCSIN

SINISIRAAN si Angel Locsin sa isang website na papansin.

Panay kasi ang banat nila sa Kapamilya aktres. Ipinost pa nila ang lumang photo nito na mataba pa ang aktres at malayo pa ang hitsura sa kanyang look ngayon.

Pinalalabas ng website na retokada beauty si Angel dahil ang laki talaga ng iginanda nito ngayon kumpara sa itsura niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

They also posted a photo of Angel na mataba pa ito. They were saying na me double chin ang Certified La Ocean deep na si Angel Botcha Bulocsin. How sarcastic can they get, ‘no para mapansin lang sila ng aktres.

At tinawag din nilang tengga queen ang aktres dahil it took ABS-CBN nearly four years daw para bigyan siya ng soap opera muli na ang tinutukoy ay ang The Legal Wife together with Jericho Rosales and Maja Salvador. Ang alam namin, talagang pinipili ng ABS ang mga proyekto ni Angel dahil pinangangalagaan nila ang premium nito.

Hindi kaya mga pakawala ng kampo ni Marian ang gumawa nito? Until now kasi ay tuloy pa rin ang pang-iintriga sa dalawa despite the fact na friend na sila in real life.

Read more...