“HINDI po ako magnanakaw.” Ito ang naging tugon ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa pag-freeze ng kanyang bank accounts kaugnay ng P2.2 bilyong tax case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue.
“Huwag po sana akong i-single out at personalin dahil hindi po ako magnanakaw,” ani Pacquiao. Sinabi niya na hindi siya makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda at magnitude 7.2 lindol dahil naka-freeze ang kanyang mga bank account.
“Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera, hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP, ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing,” ani Pacquiao.
Nagtataka rin umano si Pacquiao kung bakit kinasuhan pa siya ng BIR kahit na ibinigay na nila ang hinihingi nitong batayan ng kanyang binayarang buwis.
“The BIR claims I earned more than what I actually did, without any evidence to back it up. They ignored information given by Top Rank and HBO and insisted I have earned more.
My lawyers have given them all the info that they want and they still refuse to believe. I really don’t know why I am being singled out,” aniya.
Ikinadismaya naman ng mga kongresista ang kasong isinampa ng BIR kay Pacquiao na kababalik lamang sa bansa matapos manalo kay Brandon Rios.
“The issuance of the freeze order against the bank accounts of Manny Pacquiao is shocking and ill timed,” ani Barzaga.