REVIEW: Bagong ‘Superman’ movie solid sa visuals, pasabog ang fighting scenes

NAKAKABITIN pero very sulit!
Ganito namin mailalarawan ang bagong “Superman” movie na showing na sa mga lokal na sinehan.
Present ang BANDERA sa naganap na special screening noong July 8 sa Ayala Malls Manila Bay, at masasabi naming solid na solid ang naging execution.
Action? Wala kang hihingin pa dahil on point ang bawat suntok, lipad, at banggaan!
Visuals? Ang lupet!
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikulang ibabandera ang mundo ng dinosaurs to superheroes para sa Hulyo
Story? Talagang tumagos sa puso, lalo na sa mga eksenang nagpapakita kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Clark Kent kahit isa siyang bayani.
Dahil sa ganda ng mga napanood naming mga eksena sa bagong movie, nabitin kami.
Kaya naman, hoping ang maraming fans na masundan ito agad ng panibagong kabanata!
Sa pelikula, ipinakilala bilang bagong Superman si David Corenswet, habang si Rachel Brosnahan ang bagong Lois Lane.
Bukod sa kanila, tampok din sa all-star cast sina Nicholas Hoult bilang Lex Luthor, Edi Gathegi, Anthony Carrigan, Nathan Fillion, at Isabela Merced.
[EMBED: https://www.youtube.com/watch?v=KRCa-7ck7uM
Magugunita noong June 19, personal na bumisita sa Pilipinas sina David at Rachel, kasama ang direktor ng “Superman” na si James Gunn para sa isang super fan event sa SM Mall of Asia sa Pasay!
Nakisaya pa nga sa nasabing event ang BANDERA, kung saan hindi lang fan signing ang ganap, kundi may pa-awrahan din kasama ang ilang Pinoy celebs.
[EMBED: https://www.facebook.com/watch/?v=2324072811321023
[EMBED: https://www.facebook.com/watch/?v=1342933363479663
Todo awra sa mala-Superman costume ang actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa, pati ang TV host-actor na si Eruption, na parehong game na game maki-fan mode kasama ang crowd.
Super lucky rin ang ilang fans dahil bukod sa autograph, nakapag-selfie rin sila sa mga bida ng “Superman” movie!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
