Foreigner BF

Sulat mula kay Minda, ng Barangay Del Carmen, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon ko nang ka-chat ang isang foreigner at mahigit sa kaibigan na ang aming huntahan sa Internet at cam.  BF-GF na kung ituturing ang laman ng mga pag-uusap namin at ngayon ngang kapaskuhan ay darating siya at ang sabi niya’y magpapakasal na raw kami.  Siya na ba ang mapapangasawa ko?  Magiging maligaya ba ako sa kanya?  Siya po ay isinilang noong Peb. 2, 1969 at ako naman ay Nob. 29, 1991.
Umaasa,
Minda, ng Barangay Del Carmen, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bukod sa iisa lang ang Marriage Line sa iyong palad, kapansin-pansin ding may malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, kung sino ang first love mo ay iyon na ang iyong mapapangasawa. At pagkatapos ng nasabing pag-aasawa, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Diamonds, Five of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing isang lalaking mayaman o may-kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa at sinasabi ding nakatakda na rin kayong magkikita. Itutuloy

Read more...