PCSO exec hinamon whistleblower sa missing sabungeros case

PCSO exec hinamon whistleblower sa missing sabungeros case

Ervin Santiago - July 09, 2025 - 01:13 PM
PCSO exec hinamon whistleblower sa missing sabungeros case
Dondon Patidongan at Atong Ang

PINABULAANAN ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Felix Reyes ang mga akusasyon ni Dondon Patidongan, ang sinasabing “whistle blower” sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Inakusahan ni Patidongan si Reyes na umaasikaso sa mga kaso ni Charlie “Atong” Ang noong ang una ay hukom pa.

Kasinungalingan din sabi pa ni Reyes ang bintang na inaayos niya ang mga kaso ni Ang sa iba bansa kasama ang iba pang mga hukom at mga taga-usig.

Hinamon niya si Patidongan na banggitin ang mga inasikaso niyang  kaso ni Ang o anumang kaso na may kaugnayan sa mga nawawalang sabungero.

Binigyan awtorisasyon rin ni Reyes ang Bureau of Immigration na isapubliko ang kanyang travel records mula nang magretiro siya bilang hukom noong Oktubre 2021 hanggang sa kasalukuyan.

Ipinagtataka lamang din nito na nasabay ang paglabas ng mga alegasyon sa pagsusumite niya ng aplikasyon na maging susunod na Ombudsman.

Nagpahayag din ito ng kahandaan na makipagtulungan sa mga imbestigasyon na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending