Jessica game maging PBB housemate, nag-request kay Kuya

Jessica Soho game maging housemate sa PBB Collab, pero may request kay Kuya

Ervin Santiago - July 09, 2025 - 12:20 AM
Jessica Soho game maging housemate sa PBB Collab, pero may request kay Kuya
Jessica Soho kasama ang PBB Celebrity Collaboration Edition Big 4 Duo

PAYAG na payag ang award-winning broadcast journalist at TV host na si Jessica Soho na maging housemate sa Bahay ni Kuya pero meron siyang isang request.

Bago maganap ang Big Night ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” last  weekend, naging houseguest sa Bahay ni Kuya si Jessica at nakachikahan ang Big 4 Duo.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, ipinalabas ang pagbisita ni Jessica sa “PBB” house kung saan nakausap din niya sI Big Brother.

“In anything, there is always a first time. Pero isa ho ito siguro sa mga hindi ko maisip na mangyayari pala. 

“Posible pala ‘yung ABS-CBN at ang aming home network, ang GMA, magko-collab. Nagkasama ang GMA at ang ABS para rito sa collab ng PBB, ‘Pinoy Big Brother.’ Who would have thought, ‘di ba?” pahayag ni Jessica.

Sa isang bahagi ng naturang episode,  pinapasok muna ang TV host sa Confession Room para magkausap sila ni Big Brother.

“Kuya, pasensya ka na, hindi ko ito natututukan. Alam ko lang na nag-collab na with ABS ang GMA. So, na-curious din ako. Lalo na closer to the finals, ‘di ‘ba? Diyan nagbi-build up ‘yung excitement. So, tsaka na-curious talaga ako,” ani Jessica.

Tinanong ni Kuya si Jessica kung payag siyang maging housemate. Natawang sagot ng premyadong host, “Huwag lang today, ‘wag lang this week kuya ang dami kong ganap, ang dami kong gagawin.

“Puwede mo kong ikulong (sa PBB house) in some other time. ‘Wag lang this week,” aniya pa.  Sabi naman ni Kuya tatandaan niya ang sinabi ni Jessica.

Hirit na tanong ni Jessica, “Sino ka ba talaga (Kuya)?” natawang tanong ni Jessica. Na sinagot ni Big Brother ng, “Makikilala mo ako Jessica…sa takdang panahon.”

Ang duo nina Mika Salamanca ang Brent Manalo ang itinanghal na Big Winner habang second placer naman ang tambalan nina Will Ashley at Ralph De Leon.

Third placer ang duo nina Charlie Fleming at Esnyr, at panghuli sina AZ Martinez at River Joseph.

Samantala. inanunsyo rin noong Big Night na magkakaroon ng second season ang naturang collaboration ng GMA at ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinaghahandaan na ni Kuya ang susunod na PBB Collab this year,” sey ng host ng show na si Bianca Gonzalez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending