Unang nakakantiyaw

MAGANDA ang naging deliberation ng mga miyembro ng PBA Press Corps para sa kauna-unahang  Player of the Week award ng 29th PBA season na napunta kay Ronjay Buenafe ng Barako Bull.

Mahigpit kasi ang labanan sa pagitan nina Buenafe, Arwind Santos ng Petron Blaze at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel.

Katunayan ay napabilang din sa mga contenders ang rookie na si Terrence Romeo ng Global Port. Ito’y bunga ng pangyayaring gumawa ng 34 puntos si Romeo sa 114-100 panalo ng Batang Pier kontra sa Air21.

Rookie siya at hindi naman ganoon katangkad dahil sa guwardiya nga ang laro niya. So, kumbaga’y napakalaking impact sa kanyang team ang kanyang nagawa.

Kaya lang ay 1-1 ang record ng Global Port na natalo sa Petron Blaze, 97-87, noong Miyerkules kung saan umiskor siya ng 14 puntos.

E, ang Petron, Barako Bull at Barangay Ginebra ay pawang may 2-0 records. So, nawala sa eksena si Romeo. Kung mayroon sanang Rookie of the Week award na ipinamimigay din ang PBA Press Corps, aba’y panalo na si Romeo at tatalunin niya ang top pick na si Gregory Slaughter ng Gin Kings at No. 2 pick na si  Ian Sangalang  ng SanMig Coffee.

Kaya nga may nagmumungkahi na dahil sa maganda ang batch ng rookies sa taong ito, why not have a Rooke of the Week award o kaya ay Roookie of the Month.

Ito’y pag-aaralan ng PBA Press Corps.  Well, napunta kay Buenafe ang unang Player of the Week award ng season dahil ang kanyang koponan ay hindi naman inaasahang maagang mamamayagpag sa torneyo.

Inaasahang nasa itaas ng standings ang Gin Kings ni Aguilar dahil sa nakuha nito si Slaughter bilang No. 1 at James Forrester bilang No. 4 pick.

Inaasahan ding manguna ang Petron dahil sa sumegunda ito sa SanMig Coffee sa nakaraang Governors Cup. At siyempre, nasa Petron ang reigning Most Valuable Player ng liga na si Arwind Santos at nag-iimprove din ang higanteng si June Mar Fajardo.

Ayon sa ilang mga surveys sa website, ang Barako Bull ay pang-sampu at kulelat sa mga PBA ballclubs. Ito’y matapos na ipamigay ng Energy Colas ang tatlong first round picks at kumuha ng mga matatandang kapalit.

So, above expectations so far ang performance ng Barako Bull  kasi inaasahang mangulelat sila pero ngayon ay nangunguna sila sa unang linggo ng season.  Kung sabagay, unang linggo pa nga lang to at marami pang pwedeng mangyari.

Pero gaya nga ng sinasabi ng karamihan, aba’y mabuti na yung nakakauna. Matalo man, nauna pa ring nakakantiyaw! Pero teka, hindi ba nakagugulat ang 97-93 panalo ng Barako Bull sa Alaska Milk na itinuturing na isang powerhouse team?

Marami kasi ang nagsasabing tiyak na gagawa na naman ng magandang run para sa kampeonato ang Aces na namayagpag sa Commissioner’s Cup.

Kahit paano ay shocker ang panlong itinala ng Barako Bull sa  Alaska Milk kung kaya’t hindi na puwedeng maliitin ang Energy Colas.

Ang masama nito, matapos na manalo sa Aces, tiyak na maghahanda na nang husto ang mga susunod na kalaban ng Barako Bull. Ayaw nila syempreng matalo sa  isang team na inaasahang mangulelat.

Pero hindi naman basta-basta magpapatalo ang Barako Bull, ‘di ba? Kahit paano’y mayroon ding naniniwalang malayo ang maaabot ng Barako Bull.

Read more...