Aprub ba sa inyo na ma-regulate ang paggamit sa socmed ng menor de edad?

PABOR ba kayong mga magulang na magkaroon ng kaukulang batas para ma-regulate ang paggamit ng social media ng mga menor de edad?
Kung “yes” ang inyong sagot, siguradong susuportahan n’yo ang inihaing panukalang-batas ni Sen. Panfilo Lacson Jr. sa pagbabalik niya sa Senado.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Lacson ang pagsusulong niya sa isang panukalang-batas – ang Regulasyon sa Paggamit ng Social Media ng mga Menor de Edad.
Layon nitong protektahan ang kabataang Pilipino sa masamang epekto ng overexposure sa social media gayundin ang isulong ang safe digital environment para sa kanilang kagalingan.
Sabi ng mambabatas, lumabas sa ilang pag-aaral na may koneksyon ang sobrang exposure sa social media sa mental health issues.
Base sa ulat ng Council for the Welfare of Children, isa sa bawat tatlong menor de edad na Pinoy ang gumagamit ng internet habang sa isinagawang household survey ng National ICT (Information and Communications Technology), 60% ng mga batang edad 10 hanggang 17 ay active internet users.
Sabi ng United Nation Children’s Fund (UNICEF), ang matinding pagbabad ng mga kabataan sa socmed ang naglalantad sa mga batang PIlipino sa cyberbullying, body image pressures, at online harassment.
Lahad ni Lacson, pwedeng gawing basehan ng Pilipinas ang social media ban sa ibang bansa tulad ng Australia.
“Taking inspiration from this model, and in adherence to our State’s declared policy of promoting and protecting the mental and emotional well-being of its children, this bill is being proposed to protect Filipino children below 18 years old from online risks and harmful content by prohibiting minors from accessing or using social media platforms,” pahayag ni Lacson.
Kabilang sa mga dapat isagawa ng social-media platforms ang mga sumusunod:
1. Adopt reliable means to ensure the age and identity of its users, such as but not limited to ID verification, facial recognition, and other identity authentication systems.
2. Conduct regular audits of user account data to detect and remove age-restricted users from the platform.
3. Adopt prompt response mechanisms for reports or findings of age-restricted users on the platform.
Nakasaad din sa panukalang-batas na ang social-media platforms na lalabag ay papatawan ng parusa sa ilalim ng Data Privacy Act at iba pang administrative, civil, or criminal penalties.
Samantala, suportado naman ng Malacañang ang panukala ni Lacson. Sabi ni Palace Press Officer Claire Castro, “Kung ito po talaga ay magko-cause ng mental health issues, sususugan din po ng Pangulo iyan.
“At makakakuha siya (Lacson) ng suporta basta po ito ay para sa taumbayan at lalung-lalo na para sa kabataan,” ani Castro.
O, kayo, mga ka-BANDERA, aprub ba sa inyo ang panukala ni Sen. Lacson?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.