Marco Sison inilantad tunay na ugali ni Vice: Mabait, super talino

Marco Sison inilantad tunay na ugali ni Vice: Mabait, matulungin, super talino

Ervin Santiago - July 07, 2025 - 12:25 AM
Marco Sison inilantad tunay na ugali ni Vice: Mabait, matulungin, super talino
Marco Sison at Vice Ganda

“MABAIT siya, matulungin and very intelligent!” Ganyan inilarawan ni OPM icon Marco Sison ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Matagal-tagal na ring nakakasama ni Marco ang TV host-comedian sa “It’s Showtime” bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan.”

Kaya nga todo ang pasasalamat niya kay Vice dahil agad itong pumayag na mag-guest sa kanyang “Seasons of OPM” concert sa July 25, 2025 sa The Theater at Solaire.

Ang “Seasons of OPM” ay isang musical journey na magtatampok sa mga best of the best Filipino songs na inihanda ni Marco para sa kanyang mga tagasuporta mula noon hanggang ngayon.

“Alam n’yo naman si Vice Ganda, matulungin iyan at mabuting tao. He said yes right away kahit may upcoming concert sila ni Regine (Velasquez),” ani Marco sa nakaraang presscon para sa kanyang major concert.

Pagpapatuloy ng music legend, “Alam n’yo naman na isa ako sa hurado ng ‘Tawag ng Tanghalan,’ isa sa pinakasikat na segment ng ‘It’s Showtime.’  I remember noong may biglaan kaming concept na katatapos lang ng aming grand finals at may dalawang linggo kaming bakante.

“We came up to an idea of ‘Duet’. Natatandaan ko noon na sinabi ko roon na nakatutuwa ang dalawang grand finalist dahil para silang mga lover talaga. 

“Kasi ganoon naman talaga ang duet, eh. May duet na nag-aaway, nami-miss, iba-ibang concept. Puro love songs, eh nakaka-convince iyong dalawa. Tinanong ko kung real couple sila, pero hindi pala. Pero napabilib nila ako. Para silang real couple.

“Sabi ko sa comment ko, ‘alam mo nakatutuwa kayong dalawa. Naintindihin ko iyong story ng kanta in such a short time, four minutes at napaniwala ninyo ako na lovers kayong dalawa.’

“Nag-comment si Vice at sinabi niyang, ‘gusto kong maranasan iyon na makipag-duet sa isang ano…siguro magge-guest na lang ako sa isang concert ni Sir Marco, free of charge.’

“E, on national TV iyon, nang sinabi niya. Kaya sinabi ko sa kanya, ‘promise ‘yan ha?!’ Kaya na-invite ko siya rito sa aking concert,” saad pa ni Marco.

Dagdag pa ng magaling na singer nang imbitahin niya ito sa “Seasons of OPM”, “He said yes right away kahit may upcoming concert sila ni Regine. Naghahanap lang ako ng duet with him. 

“Tinanong ko siya kung ano ang guso niya at may mga ibinigay akong songs sa kanya na pwede niyang pagpilian. Mamimili kami at pag-aaralan at malalaman ko iyon by tomorrow dahil hurado ako bukas,” sabi pa ni Marco.

 Sa tanong naman ng BANDERA kung paano niya ilalarawan si Vice sa gitna ng mga kanegahang ibinabato sa kanya ng mga bashers.

“Generally speaking, I see him as a good person, matulungin siya, mararamdaman mo yun lalo na noong bagung-bago pa lang ako (bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan).

“Tapos he’s very intelligent. Minsan nga naiisip ko, paano niya nagagawa yun everyday nagwo-work siya tapos mabilis ka pa ring mag-isip ng kung anu-anong kalokohan.

“As a friend ano siya, mabait siya talaga and sincere. Siyempre hindi naman talaga natin mapi-please ang lahat ng tao, because alam naman natin, it’s a fact of life na.

“Sa kanya siguro, kung ganyan ang tingin n’yo sa ‘kin, wala na akong magagawa pero kami na nakakakilala sa kanya at nakakatrabaho niya, wala naman kaming mararamdamang attitude or whatsoever,” aniya pa.

Samantala, bukod kay Vice Ganda, special guests din ni Marco sa concert sina Martin Nievera, Rey Valera, at Nonoy Zuniga.

Sa pagdiriwang ng sarili nating musika,  sinabi ni Marco na ang konsiyerto ay paraan niya ng pagpupugay at pagbabalik sa OPM bilang isang samahan. Sinusubaybayan ng playlist ang pinagmulan ng OPM hanggang sa kundiman, patungo sa mga love song at ballad noong dekada 70, 80, 90 at higit pa. 

Sinabi pa niya na ito ay magiging isang kapana-panabik na line-up, isang hindi pa niya nagawa sa kanyang mahabang kasaysayan bilang isang romantikong balladeer.

“I do hope that through this concert, I can inspire more people, especially the youth, to embrace OPM and contribute to its further growth and development,” pahagay ni Marco.

Si Louie Ocampo ang musical director, na kompositor ng isa sa pinakamalaking hit ni Marco, ang “Si Aida, Si Lorna o Si Fe.”

Ang iba pang mga hit na kanta ni Marco na patuloy na tumutugtog sa iba’t ibang media platforms hanggang ngayon ay kinabibilangan ng “Make Believe,” “My Love Will See You Through”, “Ikaw Lamang” at marami pang iba. Ang kanyang pinakahuling recording na “Sabik na Puso” ay inilabas na rin sa mga digital platforms.

Ang “Seasons of OPM” ay mula sa direksyon ni Calvin Neria produced by Echo Jham Entertainment and Toplex Advertising.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga ticket ay mabibili sa Ticketworld.com.ph at sa Solaire box office. Para sa ibang dtalye tawagan ang 0932-404-9551.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending