Bea, Vincent Co 'di na itinatago ang relasyon, sweet sa OPM Con

Bea Alonzo, Vincent Co hindi na itinatago ang relasyon, sweet sa OPM Con 2025

Reggee Bonoan - July 06, 2025 - 04:50 PM
Bea Alonzo, Vincent Co hindi na itinatago ang relasyon, sweet sa OPM Con 2025
Bea Alonzo, Vincent Co, SB19

HINDI na kailangang aminin nina Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club at ng aktres na si Bea Alonzo na meron silang relasyon.

Sapat na ang mga okasyong lagi silang magkasama at magkahawak-kamay sa mga importanteng events sa kani-kanilang buhay o negosyo.

Sa katatapos na Puregold OPM Con 2025 na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kahapon, Hulyo 5 ay masasabing first public appearance nila as couple.

Nakita na sila ng publiko at hindi naman na nila itinago pa ito, medyo nagulat lang sila dahil para silang loveteam na pinagkaguluhan.

Ipinost nga namin sa aming Facebook account nu’ng lumabas sila kahapon galing backstage ng music event kung nagsigawan ang mga nakakita sa kanila na inakala namin ay simula na ang show pero hindi pa pala.

Kaagad pumasok sina Vincent at Bea na kaagad namang pumasok sa VIP entrance paakyat sa Suite 213 kung saan doon sila nanood kasama ang ilang executive ng Philippine Arena at ang presidente ng NET 25 na si Ginoong Caesar Vallejos.

Napanood namin ang video na kuha simula nu’ng lumabas ang rumored couple na parehong nakasuot ng puti at magkahawak-kamay na malayang naglalakad at nakangiti habang naghihiyawan ang tao.

Sa pagkakaalam namin ay ngayong 2025 lang officially naging couple sina Vincent at Bea dahil ngayong taon din opisyal ipinakilala ng una ang aktres sa kanyang pamilya.

Sa kabilang banda ay boto naman ang pamilya Co sa aktres lalo’t mahilig din pala itong magnegosyo. Sinimulan ng pamilya ni Bea ang Beati Farm na 16 hectares sa Zambales at sinimulan na rin nito ang kanyang BASH luggage at travel essentials business.

Going back to “OPM Con 2025” ay nasilip namin sa mahabang lente kung saan nakapuwesto sina Bea at Vincent ay enjoy nila ang performances ng BINI at ng SB19 with Rico Blanco.

Ang huhusay din naman kasi ng BINI at SB19 lalo na sa production number ng huli with Rico na inawit ang “Liwanag sa Dilim” na soundtrack ng “Incognito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpa-picture pa nga sina Bea at Vincent kasama ang SB19 at Rico Blanco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending