Away nina Maine Mendoza at Miles Ocampo totohanan o tsismis lang?

PATULOY ang usap-usapan tungkol sa tampuhan umano nina Maine Mendoza at Miles Ocampo matapos mapansin ng mga manonood na hindi na sila nagsasama sa isang segment ng “Eat Bulaga.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawang aktres at TV host tungkol sa sinasabing samaan nila ng loob kaya naman kung anu-anong ispekulasyon ang naglalabasan sa social media.
Sa episode ng “Eat Bulaga” nitong nagdaang Friday, July 4, naloka ang mga viewers dahil muntik nang banggitin ng isang winner sa segment na “Sugod Bahay Mga Kapatid” ang umano’y away nina Maine at Miles.
Nasa studio si Maine at ang iba pang Dabarkads habang nasa Barangay Pasong Putik, Novaliches, Quezon City naman si Miles kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Isang napiling residente sa Sugod Bahay ang inusisa nina Wally at Jose kung ano’ng latest chika ay kung sino ba ang mga nag-aaway ngayon?
Sasagot na sana ang babaeng winner pero agad siyang pinigil ni Jose nang maramdamang babanggitin ang name nina Miles at Maine. Dito nag-react na si Miles sabay dialogue ng, “Wala, wala, wala!”
Ipinakita naman si Maine sa studio nang sabihin ng winner na maganda siya. Tatawa-tawa lang ang host habang nagsasalita sina Wally at Jose.
Samantala, sa nasabi ring episode ipinagdiwang ni Maine ang kanyang 10th anniversary sa showbiz na nagsimula nga sa kanyang pagiging Yaya Dub sa phenomenal na Kalserye ng longest-running noontime show sa buong mundo.
Binati nina Jose, Wally at Miles si Maine pero feeling ng mga manonood parang hindi masyadong pinansin Maine ang greeting ni Miles dahil “generic” ang pasasalamat ng wifey ni Cong. Arjo Atayde sa lahat ng bumati sa kanya.
May mga nagsabing parang tsismis lang ang sinasabing away nina Miles at Maine pero may ilang kumbinsido raw na may bahid ng katotohanan ang naturang chika.
Samantala, feeling thankful and grateful naman si Maine Mendoza sa 10 taon niya bilang “Eat Bulaga” Dabarkads na nag-start nga sa pak na pak na Kalyeserye nila noon ni Alden Richards.
Mensahe ni Maine na ibinandera niya sa Instagram, “A decade already? Just wow. Truly grateful for the journey and the people I’ve shared it with.
“Having Eat Bulaga as my home all these years has been such a blessing. Maraming salamat sa sampung taon, dabarkads.”
Bukas ang BANDERA para sa paglilinaw nina Maine at Miles sa patuloy na pang-iintriga sa kanila sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.