Ice naniniwalang manonood ang pumanaw na mga magulang sa next concert

SA kabila ng pagluluksa at pangungulila sa namayapa niyang ina, itutuloy pa rin ni Ice Seguerra ang kanyang birthday concert sa darating na September.
Naniniwala ang OPM icon na mas gugustuhin din ng inang si Mommy Caring pati na rin ng amang si Daddy Dick Seguerra na pumanaw noong 2020, na huwag kanselahin ang nakatakda niyang major concer na “Being Ice Live!”
Ang naturang two-day concert ng award-winning singer-songwriter ay magaganap sa September 12 at 13 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.
Muling naglabas ng saloobin si Ice sa pamamagitan ng Facebook ngayong pareho nang wala ang kanyang mga magulang.
“A lot has happened. Losing Mommy recently… it still feels surreal. And even if I know she’s now with Daddy, ang bigat pa rin sa pakiramdam.
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa unang gig at unang concert ko na wala sila. Kasi lagi silang nasa front row.
“Pero kilala ko rin sila. Sila ang nagturo sa’kin kung paano maging professional sa trabaho. Na kahit anong pinagdadaanan, I have to show up. For myself, for my craft, for the audience. Sabi nga nila, the show must go on.
“At yun ang gagawin ko. I’ll make them proud. Mas gagalingan ko pa. Dahil alam kong kasama ko na sila sa puso ko,” pagbabahagi ni Ice.
Sabi pa niya, hindi lang basta birthday concert ang mangyayari sa September 12 at 13, “Being Ice is my birthday concert, but more than that, it’s a celebration of life, identity, and everything I’ve become because of the people who raised me. I hope you can join me on September 12 and 13 at the Newport Performing Arts Theater.
“For tickets, please visit TicketWorld: bit.ly/BeingIceLIVEConcertTickets Mama and Daddy, I’m reserving two seats in the front row. I know you’ll be there. Salamat po sa inyong lahat.”
Nauna rito, todo ang pasasalamat ni Ice pati na ng asawa niyang si Liza Diño sa lahat ng nakiramay sa pagpanaw ni Mommy Caring.
“Hi guys. I want to express my appreciation sa lahat ng mga nakiramay sa aming pamilya. Sa mga nagpunta sa burol at sa inyong lahat na nag message at nag comment. Even in death, life goes on for the rest of us.
“So our family is moving forward, now guided by the spirits of our Mama and Daddy. We were blessed for many years because they taught us to stand strong and be independent. Na walang ibinibigay sa atin ang buhay na hindi natin kakayanin.
“They taught us to be courageous. And we will make them prouder than ever.
“If there’s one thing I’ve learned about life, it is that it is unpredictable. Your loved one can be gone in the blink of an eye.
“So always live in the present, express your love, and learn to forgive. Thank you again for letting me share my grief with all of you,” mensahe pa ni Direk Ice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.