Whamos nag-sorry sa mga basher: OK lang po na masaktan ako

Whamos Cruz nag-sorry sa mga basher: OK lang po na masaktan ako

- July 06, 2025 - 08:00 AM
Whamos Cruz nag-sorry sa mga basher: OK lang po na masaktan ako
Wham’s Cruz at Antonette Gail

KAHIT hindi alam kung saan siya nagkamali at kung anong nagawang kasalanan, nag-sorry pa rin si Whamos Cruz sa lahat ng mga tumitira ngayon sa kanya.

Patuloy na nakakatanggap ng hate comments ang social media personality mula sa bashers matapos kumalat ang video niya sa social media tungkol sa pagpapa-opera niya ng luslos.

Maraming naawa at nakisimpatya sa kanya nang mabalitaang naospital siya at kinailangang operahan sa luslos pero nadismaya at na-turn off ang maraming netizens nang sa huling bahagi ng video ay bigla siyang nag-promote ng online sugal.

Nang makarating ito kay Whamos, muli siyang nag-post ng video at nag-sorry sa publiko kahit nga raw hindi niya alam kung bakit galit na galit sa kanya ang mga netizens.

“Nagtre-trending na naman ako dito sa Facebook mga par noh, kasi nga gawa sa nangyari doon sa operation ko,” simulang pahayag ni Whamos.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko alam kong anong mali ang nagawa ko. Pero kung ano man po yun, kung ano man po yun, sorry. Pasensya na kung ano man ang mga maling nagawa ko du’n. 

“Sa mga gumagawa sa akin ng video, kayo na yung bahala. Wala namang problema sa akin. Ganu’n naman talaga sa ano ng social media. 

“May gawin kang tama o mali, pagka mali ka, titirahin at titirahin ka nila. Pero sa akin okay lang yun kasi sa akin pagka-ganyan, eh immune naman na siguro ako. 

“Pero may pakiramdam naman ang asawa ko. Pero para sa akin, okay lang masaktan ako. Ang importante sa akin, maging masaya na lang kayo sa mga bagay na gusto niyong gawin sa buhay niyo,” ang buong pahayag ni Whamos.

Matatandaang binanatan si Whamos sa social media matapos magpa-opera ng kanyang luslos sa isang ospital kamakailan.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang netizens na pagkatapos niyang ibalita sa publiko ang pinagdaanang surgery ay nagawa pa nitong mag-endorso ng online sugal sa kanyang video.

Sa Facebook nag-post si Whamos ng video kung saan ikinuwento nga niya ang pagpapa-opera ng kanyang luslos o hernia at inabot daw ng P409,000 ang binayad nila sa ospital.

Pero shookt nga ang mga nakapanood sa kanyang FB video dahil sa huling bahagi nito pagkatapos niyang magpasalamay kay Lord ay nag-endorse pa siya ng gambling app.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman sa halip na maawa at makisimpatya sa kanya ang ilang netizens ay na-bad trip pa ang mga ito sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending