Lorin Bektas atras sa pagpaparetoke ng ilong, kailangang magbayad ng P3-M!?

SHOOKT ang dalagang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez Bektas nang malaman ang presyo ng pagpaparetoke ng ilong.
Pinag-iisipan pala ni Lorin na ipa-enhance ang kanyang nose pero naloka nga siya nang sabihin sa kanya ang halaga ng naturang surgery.
Sa kanyang TikTok live, naikuwento ng anak ni Ruffa sa ex-husband Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, ang tungkol sa pagpaparetoke habang nagse-share ng make-up tutorial.
“I start calling plastic surgery offices in L.A. (Los Angeles), just curious, ‘Oh, what would the cost be?’ Please guess how much these people are quoting me – 70 thousand dollars. Isn’t that like P3 million?
“Excuse me, I would rather look like Pinocchio for the rest of my life than pay that money,” ang gulat na gulat na chika ni Lorin.
Chika ng dalaga, gagastusin na lang daw niya ang pera sa pagbili ng mga branded na gamit kesa ibayad ito sa pagpapagawa ng ilong.
Feeling ni Lorin, “That was a sign from God to be like, ‘Girl, no.’ Like, ‘Humble yourself. You are not getting your nose done. Like, hell, no.’
“Seventy-thousand dollars, I’ll buy myself, literally, three Birkins, and have my big nose gladly. What the F!” sey pa ng panganay ni Ruffa.
Pagpapatuloy na chika ni Lorin, “The thing with the Philippines, my nose is like not a Filipino nose. So, I feel like they wouldn’t know how to do it (mga cosmetic surgeon sa ibang bansa).”
Dugtong ng dalaga, “This is another thing. I understand my nose is not awful. I’m not saying my nose is awful.
“There’s just like slight tweaks. It’s very, like, small, what I want to be done. I’m not asking them to break my nose and remove the bone.
“I want it the most subtle, subtle differences, and I told them that when I was getting the quote. So, for the most subtle difference, you’re gonna charge me with $70,000?!” sey pa niya.
May mga nagkomento naman sa TikTok live ni Lorin na mas maganda kung sa Turkey na lang siya magparetoke kung saan nakatira ang tatay niya.
“I don’t know if I might. If I get one, I’ll vlog it. Trust I’ll vlog it for you, guys,” sagot ni Lorin.
Samantala, dahil dito, baka raw palitan na niya ang kanyang kursong advertising sa Pepperdine University sa California, “I think I wanna be a plastic surgeon. Because I think, plastic surgeons make bank. It would be fun.”
“If you’re a plastic surgeon, the worst thing that could happen is just you make someone pangit,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.