Jessica Soho kinarir pagluluto ng sopas para sa PBB Big 4 Duo

Jessica Soho kinarir pagluluto ng sopas para sa PBB Big 4 Duo; Will tinukso

Ervin Santiago - July 06, 2025 - 07:42 AM
Jessica Soho kinarir pagluluto ng sopas para sa PBB Big 4 Duo; Will tinukso
Jessica Soho kasama ang Big 4 Duos ng PBB Celebrity Collab Edition

TUWANG-TUWA ang apat na “PBB Celebrity Collab Edition” Duo nang personal silang bisitahin ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho sa loob ng Bahay ni Kuya.

Matapos maging kontrobersiyal ang pagre-retweet ng “KMJS” Facebook page sa hate comment laban sa PBB Duo na AzVer (AZ Martinez at River Joseph), naging house guest nga si Jessica bago ang final episode ng iconic reality show sa Pilipinas.

Nag-issue na naman ng public apology ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa nangyari kaya agad ding natuldulkan ang issue pero marami nga ang nagsabi na dapat kastiguhin ang admin ng socmed page ng programa ni Jessica na nasa likod ng pangnenega sa AzVer.

Bago nga ang announcement ng Big Winner kagabi, July 5, ay pumasok nga sa “PBB” house ang award-winning Kapuso TV host para makipagchikahan sa Big Four Duo.

Mapapanood ang interview ni Jessica sa apat na duo na sina Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes), Ralph De Leon at Will Ashley (RaWi), Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa), at AZ Martinez at River Joseph (AzVer), sa “KMJS” ngayong gabi.

“LUMIPAD ANG AMING TEAM SA… BAHAY NI KUYA?!” ang mababasa sa caption ng Facebook post ng programa.

“Ang duo na tatanghaling Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, mas kilalanin ngayong Linggo sa #KMJS! Pero bago ang Big Night, si Jessica Soho, lumipad… este, pumasok muna sa Bahay ni Kuya!

“At ipinagluto pa ni Jessica ang housemates ng sopas!” ang nakasaad pa sa naturang post.

Yes! Talagang kinarir ni Jessica ang pag-cook ng sopas para sa mga celebrity housemates. At para sa PBB 4 Duo isang proud moment ang maipagluto ng nag-iisang Jessica Soho!

Samantala, dinogshow naman ng mga netizens si Will Ashley sa pagbisita ni Jessica sa Bahay ni Kuya. Napakaswerte raw niya dahil “dalawang beses” siyang dinalaw ng kanyang “nanay” sa loob ng PBB house.

Marami kasi ang nakapansin na malaki ang pagkakahawig ni Jessica at ng nanay ni Will, na dinalaw ang kanyang anak sa loob BNK kamakailan.

Panunukso ng ilang netizens kay Will:

“Dalawang beses si mowm at mama ni will, koyah talaga.”

“Kamukha ng mama ni Will si Mam Jes! haha.”

“Parang unfair na nakadalawang punta ang mom ni Will.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pumasok ang nanAy ni will”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending