Ryan Gosling bida sa ‘Project Hail Mary’; Bill Hader bubuhayin ang ‘The Cat in the Hat’

DALAWANG bagong pelikula ang aabangan at babandera sa mga sinehan very soon!
Kabilang na riyan ang matinding sci-fi adventure na hatid ng Hollywood actor na si Ryan Gosling, pati na rin ang makulay at nakakatuwang kwento na dala ni Hollywood comedian na si Bill Hader.
Project Hail Mary
Bida sa “project Hail Mary” si Ryan Gosling bilang isang sixth grade science teacher na ginising sa kalawakan, 11.9 light-years ang layo mula sa Earth, para sa isang misyon at siya lang ang natitirang pag-asa ng sangkatauhan.
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikulang ibabandera ang mundo ng dinosaurs to superheroes para sa Hulyo
Ang pelikula ay base sa best-selling novel ni Andy Weir, ang parehong may-akda ng “The Martian.”
Ang upcoming film ay mula sa direksyon ng powerhouse duo na sina Phil Lord at Christopher Miller, mga utak din sa likod ng hit na “Spider-Verse” franchise.
The Cat in the Hat
Sa unang animated theatrical feature film ng Warner Bros. Pictures Animation, muling isinasabuhay si “The Cat in the Hat.”
Pero sa pagkakataong ito, sa tinig ng sikat na international comedian-actor na si Bill Hader.
Sa kwento, ang iconic na pusa ay may bagong misyon mula sa I.I.I.I. (Institute for the Institution of Imagination and Inspiration, LLC).
Kailangan niyang pasayahin sina Gabby at Sebastian, magkapatid na hirap mag-adjust sa bagong tirahan.
Pero tulad ng dati, si Cat ay kilala sa pagiging sobrang kulit.
Pero ang pagsubok sa likod ng masayahin niyang personality –baka ito na ang huli niyang pagkakataon para mapanatili ang kanyang mahiwagang sombrero.
Bukod kay Bill, tampok din sa pelikula sina Xochitl Gomez, Matt Berry, Quinta Brunson, Paula Pell, Tiago Martinez, Giancarlo Esposito, America Ferrera, Bowen Yang, at Tituss Burgess.
Idinirek ito nina Alessandro Carloni at Erica Rivinoja.
Ang “The Cat in the Hat” ay ipapalabas sa mga sinehan at IMAX sa February 2026.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.