Mga buto ng missing sabungeros sa Taal Lake posible pang makuha –DOST | Bandera

Mga buto ng missing sabungeros sa Taal Lake posible pang makuha –DOST

Pauline del Rosario - July 06, 2025 - 03:50 PM
Mga buto ng missing sabungeros sa Taal Lake posible pang makuha –DOST
Taal Lake

MAY posibilidad pa umanong mabawi ang mga buto ng mga nawawalang sabungero kung totoong inilibing ang mga ito sa Taal Lake.

Ito ay ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum sa isang news forum sa Quezon City.

Ang paliwanag niya na iniulat ng INQUIRER, “Bone does not decompose. Bone does not care about decomposition. It is only the flesh that rots.” 

Sinabi rin ng kalihim na nakadepende ang bilis ng pagkabulok ng katawan sa lokasyon o lalim ng tubig at kung gaano karami ang “oxidizing content” sa bahagi ng nasabing lawa.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Old military uniforms may bagong misyon, bida na sa fashion

“Because people decompose, they oxidize. Like leaves, when there is oxygen, they decompose easily. But when the oxygen is depleted at the bottom, they don’t decompose very much,” dagdag niya.

Kung nasa “reducing environment” ang mga katawan, mas mabagal ang pagkabulok nito, ayon kay Solidum. Ibig sabihin, kaunti lang ang oxygen sa lugar.

“That means there is not much oxygen. So we don’t know; if the buried material is shallow, maybe the conditions there are easy to decompose. But for others, for example, sometimes fish die in Taal Lake — fish kills — because sometimes the water at the bottom turns over, rises, and there is not much oxygen because it is a reducing environment,” esplika pa niya.

Patuloy ng DOST secretary, “And it is a reducing environment because with the amount of leaves and feeds that sink there, the oxygen is used up because the organic matter is decomposing.”

“So if that’s the condition there, at the very bottom, if it goes there, it will be a reducing environment; it is difficult to decompose. So it depends on the location,” ani pa ni Solidum.

Noong Biyernes, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na humingi na siya ng technical assistance mula sa bansang Japan upang mahanap ang mga katawan ng missing sabungeros sa Taal Lake.

Ito ay kasunod ng pagsisiwalat ng whistleblower na si Julie Dondon Aguilar Patidongan alyas “Totoy,” na pinatay umano ang mga sabungero at itinapon ang kanilang mga katawan sa lawa tatlong taon na ang nakalipas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa kanya, sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero ang negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending