BreKa itinanghal na first PBB Celebrity Colla Big Winner duo

BreKa duo nina Mika Salamanca, Brent Manalo itinanghal na Big Winners

Therese Arceo - July 05, 2025 - 11:18 PM
BreKa duo nina Mika Salamanca, Brent Manalo itinanghal na Big Winners

HINDI makapaniwala ang Kapuso actress-content creator na si Mika Salamanca at Kapamilya actor na si Brent Manalo matapos silang tanghalin bilang kauna-unahang “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” Big Winner duo.

Ngayong Sabado, July 5, matapos ang mahigit tatlong buwan na pananatili sa loob ng PBB house ay tuluyan nang lumabas at pinangalanan ang mga nagwaging big 4 sa ginanap na Big Night sa New Frontier Theater.

“Totoo ba to? Totoo ba to? Totoo? Oh my gosh, Brent? Ohmy gosh, Brent. Big winner?! Lord!” tumitiling sigaw ni Mika matapos ang anunsyong sila ang nagwaging big winner duos.

Tila speechless naman si Brent at naiiyak habang pinoproseso ang natinig na kanilang pagkapanalo.

Baka Bet Mo: Mika Salamanca suportado ni H2WO, sey ng netizens: May minumulto!

Dumagundong nga ang buong venue habang hinihirang ang BreKa bilang pinakaunang big winner duos ng kauna-unahanh celebrity collab edition.

Kitang-kita naman ang saya at ang pagka-proud ng mga magulang ng Kapuso at Kapamilya artists sa achievement ng kanilang mga anak.

“Sa totoo lang hindi ko po alam ang sasabihin kasi hindi po sapat ang salitang ‘masaya ako, mahal ko kayo, at salamat po’ kasi hindi po nun mae-explain ang nararamdaman ko ngayon,” naiiyak na sabi ni Mika.

Dagdag pa niya, “Para po sa inyo lahat ito, para sa pamilya ko, para sa mga nagmamahal at para sa aming dalawa ni Brent.”

Sey naman ni Brent, “Gusto ko lng sabihin na basta puso ang panlaban, anything is possible. God is good. Thank you po.”

Samantala, hinirang naman bilang 1st big placer ang tambalang RaWi o sina Ralph de Leon at Will Ashley; 2nd big placer naman ang CharEs na sina Charlie Fleming at Esnyr Ronollo; at 3rd big placer naman ang AzVer o sina AZ Martinez at River Joseph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inanunsyo rin ni Bianca Gonzalez ang pagkakaroon ng panibagong celebrity collab edition ngayong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending