Lorna, Christopher, Lani, iba pang celebs na unang dumalaw sa burol ni Lolit Solis | Bandera

Lorna, Christopher, Lani, iba pang celebs na unang dumalaw sa burol ni Lolit Solis

Pauline del Rosario - July 06, 2025 - 07:30 AM
Lorna, Christopher, Lani, iba pang celebs na unang dumalaw sa burol ni Lolit Solis
PHOTO: Instagram/@mrfu_mayganon

DUMALO ang ilang malalapit na kaibigan at dating alaga ng yumaong si Lolit Solis sa unang gabi ng kanyang burol nitong Biyernes, July 4.

Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Quezon City.

Kabilang sa mga spotted na nandoon upang makiramay ay sina Christopher de Leon at misis niyang si Sandy Andolong, pati na rin ang mga batikang aktres na sina Lorna Tolentino at Pauleen Luna. 

Lahat sila ay naging malalapit kay Manay Lolit, na isa sa mga pinakarespetadong showbiz columnist at talent manager sa bansa.

Baka Bet Mo: Lolit Solis may nakakaiyak na text para kay Cristy Fermin: Salamat…

Makikita sa Instagram post ng TV at radio personality na si Mr. Fu ang pagdalaw ng mga nabanggit na celebrities para magbigay ng huling respeto at pakikiramay sa pamilya ni Manay Lolit.

Dumalo rin sina Tonton Gutierrez at asawang si Glydel Mercado, gayundin sina Lani Mercado, Amy Austria, Benjie Paras, at ABS-CBN executive na si Cory Vidanes.

Lorna, Christopher, Lani, iba pang celebs na unang dumalaw sa burol ni Lolit Solis
PHOTO: Instagram Story/@lornatolentinofernandez

Bago pa ang burol, ilang personalidad na rin ang nagbigay-pugay kay Manay Lolit sa social media, kabilang sina Bong Revilla, Jolo Revilla, Niño Muhlach, Yasmien Kurdi, at marami pang iba.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, nakatakdang i-cremate ang mga labi ng talent manager sa darating na Martes, July 8.

Pumanaw si Lolit Solis noong July 3 sa edad na 78 at ito ay kinumpirma ng anak niyang si Sneezy. 

Matagal nang may iniindang sakit sa kidney si Manay Lolit at binawian siya ng buhay matapos atakihin sa puso habang naka-confine sa FEU-NRMF Medical Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending