MRT-3, LRT-2 may ‘student-only lane’ na para sa discount, iwas late pa

MAGANDANG balita para sa mga estudyante, lalo na ‘yung mga suki ng tren!
May espesyal na pila na kayo sa MRT-3 at LRT-2 para mas madali ang pagkuha ng student discount.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang bagong hakbang na ito ay layuning mapabilis ang pila at gawing mas magaan ang araw-araw na biyahe ng mga estudyante, lalo na’t itinaas na sa 50 percent ang discount sa mga single-journey ticket sa tatlong pangunahing linya ng tren simula noong Hunyo.
“We should not make it difficult to verify student discounts so that there are no long lines and student passengers can move quickly and avoid being late for school,” pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Baka Bet Mo: College student na suma-sideline bilang rider patay sa pamamaril
Kaya kung dati ay kinabog ka ng pila at napatakbo ka sa flag ceremony, ngayon ay mas chill na ang biyahe!
Samantala, ang Light Rail Manila Corp., na siyang operator ng LRT-1, ay magpapatupad naman ng mga queuing system para mas maging maayos ang daloy ng pasahero at maiwasan ang abala, lalo na sa mga estudyanteng kukuha ng discount.
Kamakailan lang, nagpahayag din ng saloobin si Senator Raffy Tulfo, na siyang namumuno sa Senate Committee on Public Services.
Nag-alala siya sa abala na dulot ng mahahabang pila at mabagal na proseso ng pag-validate ng student discount.
Inirekomenda rin niya ang pagkakaroon ng mga ticket booth lanes na eksklusibo para sa mga estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.