Jennylyn Mercado nagbabala sa kumakalat na fake gaming ad

Jennylyn Mercado nagbabala sa kumakalat na fake online gaming ad

Therese Arceo - July 05, 2025 - 09:54 PM
Jennylyn Mercado nagbabala sa kumakalat na fake online gaming ad

NAGBABALA ang kampo ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado kaugnay sa kumakalat na pekeng gaming ad na gumagamit sa larawan at videos ng aktres.

Naglabas ang Aguila Entertainment, ang talent management ng aktres na maging mapanuri dahil walang kahit na anong ugnayan ang kanilang alaga sa mga kumakalat na ads.

“Our artist, Jennylyn Mercado, is not endorsing nor is she affiliated in any way with the online gaming platform ‘PH Sugar,’” saad sa inilabas na official statement ng kanyang talent management.

Para sa mga hindi aware, ang PH Sugar ay isang online gaming platform na nag-a-advertise ng casino, crypto coin at iba pang digital gambling activities.

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado muling pumirma bilang Kapuso: I’m home

Giit nila, ang naturang paggamit sa images at videos ni Jennylyn ay walang consent mula sa aktres maging sa kanyang management.

“These ads are unauthorized and are meant to lure unknowing users by falsely claiming the endorsement of our artist,” sabi pa ng kanyang management.

Sa ngayon ay kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang kampo ni Jennylyn sa mga otoridad para sa kanilang susunod na hakbang laban sa mga tao sa likod ng mga pekeng ad.

“We remind the public to be vigilant and verify the legitimacy of any online gaming platform,” dagdag pa nila.

Ibinahagi rin ng asawq ni Jennylyn na si Dennis Trillo ang naturang statement sa kanyang Instagram story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending