Confirmed na! Katy Perry, Orlando Bloom break na after 6 years engaged

NATULDUKAN na ang kumakalat na chika patungkol sa celebrity couple na sina Katy Perry at Orlando Bloom.
Kumpirmado na kasing naghiwalay na ang pop superstar at Hollywood actor!
Ayon sa ulat ng American news outlets na People at USA Today, inamin ng kampo ng dalawa na “[they] have been shifting their relationship over the past many months to focus on co-parenting.”
Ang ibig sabihin niyan, kahit split na sila ay patuloy pa rin silang magiging present sa buhay ng kanilang anak.
Baka Bet Mo: Katy Perry all-out support kay Taylor Swift, present sa ‘Eras Tour’
Sey pa sa joint statement ng kanilang mga representatives, “Their priority would be raising their daughter with love, stability, and mutual respect.”
Magugunitang, nag-umpisa ang mga hinala ng fans na nag-break na ang dalawa matapos mapansing hindi na sila lumalabas na magkasama.
Bukod diyan, wala ring silang ibinabanderang social media posts together.
Ayon naman sa ilan, kaya nagkaroon ng growing distance sa pagitan ng dalawa dahil sa concert tour ng singer na nagsimula noong Abril at tatagal hanggang Disyembre.
Kung matatandaan, nag-umpisa ang love story nina Katy at Orlando noon pang 2016.
Nag-break sila noong 2017 pero nagbalikan rin agad.
Kinilig naman ang fans nang ibalita ng singer sa “Jimmy Kimmel Live” na engaged na sila noong Valentine’s Day ng 2019.
Noong 2020, isinilang ang kanilang anak na si Daisy Dove Bloom.
Para naman sa mga hindi aware, si Orlando ay may anak sa dating asawa na Australian model na si Miranda Kerr.
Si Katy ay dating kasal sa komedyanteng si Russell Brand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.