Angelica Panganiban nakatulong ang teatro sa pagluluksa sa ina

Angelica Panganiban sa pagteteatro: Para maitawid ko ang pagluluksa

Therese Arceo - July 05, 2025 - 06:02 PM
Angelica Panganiban sa pagteteatro: Para maitawid ko ang pagluluksa

AMINADO ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na noon pa man ay nais na niyang pasukin ang pagteteatro.

Sa kanyang Instagram page ay nagbaliktanaw ang aktres sa kanyang ilang taon bilang aktres.

“32 years na pala ko sa industriya.

Pero alam talaga ni Lord kung ano ang laman ng puso mo. Lalo pa kapag pinagkalat mo sa mga friends mo. Katulad ni direk @andoyr1973 na palagi kong sinasabihan na gusto ko talaga mag teatro,” panimula ni Angelica.

Aniya, may offer sa kanya noon pa na mga dula ngunit hindi pa niya ito sinubukan dahil hindi pa siya ready.

Baka Bet Mo: Nanay ni Angelica Panganiban pumanaw na sa edad 61

Pagpapatuloy ni Angelica, “Dalawang dula ang tinanggihan ko bago mangyari ito. Wala pa kong lakas ng loob noon.

“Mula nang mabasa ko ang dula ni sir

@muchadoaboutryan, hindi maalis sa isip ko ang mensahe.”

Naisip ni Angelica na dahil maganda ang materyal at mensahe ng dula ay maaari itong makatulong sa kanyang pagluluksa sa pagkawala ng ina.

“Kasama na din ang pangungulila ko sa mama ko na hindi man lang nagpa-alaga. Naisip kong baka magamit ko ang materyal para maitawid ko pa ang pagluluksa. Hindi naman ako nagkamali.

“Kasama ng pangarap, materyal, napakahuhusay na bumubuo ng entablado, nagkaroon ako ng bagong respeto sa sining,” pagbabahagi ni Angelica.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng mga taing gumanay at sumuporta sa kanyang pagpasok sa pagteteatro.

“Maraming maraming salamat sa gabay [email protected]_at nanay Peewee O’hara. Sa lahat ng kaibigan at na nag bigay ng oras, at suporta, hinding hindi kayo makakalimutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mabuhay ang sining! Maligayang pagbati VLF! 20 YEARS! UNTRIED, UNTESTED, UNSTAGED PLAYS. Hanggang sa muling paghaharap,” sey pa ni Angelica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending