Harry Roque babalik lang ng Pinas pagtapos ng termino ni PBBM

 Harry Roque babalik lang ng Pilipinas pagtapos ng termino ni PBBM

Therese Arceo - July 05, 2025 - 05:08 PM
Harry Roque babalik lang ng Pilipinas pagtapos ng termino ni PBBM
Former presidential spokesperson lawyer Harry Roque. | PHOTO: Senate Public Relations and Information Bureau

DIRETSAHANG sinabi ng dating presidential spokesperson na si Harry Roque na babalik lamang siya sa Pilipinas kapag tapos na ang termino ni Pangulong Bongbng Marcos.

Sa kanyang naging panayam sa “The Long Take” ay ibinahagi niya kung kailan uuwi sa bansa.

“As soon as Marcos is gone, I’m back on day one. And sana this time around, we make them pay for all their offenses,” saad ni Roque.

Dagdag pa niya, “Ang hirap kasi, the first time around, when we drove them away si Marcos, Sr., we just forgave them, e. We recovered some ill-gotten wealth, but not all of it.”

Baka Bet Mo: Harry Roque gustong paaalisin sa Senado si Hontiveros

Lahad pa ni Roque, ‘di niya mappatawad ang kasalukuyang administrasyon sa ginawa nito sa kanya dahilan para malayo siya sa pamilya.

Aniya, “I will never forgive this administration for what they did to me and my family.”

Matatandaang lumipad patungong Netherlands si Roque matapos arestuhin ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court noong March 2025.

Ito ay sa kabila ng nakabinbin niyang kaso sa umano’y human trafficking na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Nag-apply rin siya ng asylum sa Netherlands.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending