Ivana Alawi, Dan Fernandez usap-usapang nagkaroon ng relasyon, may anak pa raw?

DAHIL sa parehong walk-in closet umano nina Ivana Alawi at dating kongresistang si Dan Fernandez ay muling nabuhay ang sinasabing naging relasyon nila.
Dati kasi ay nag-post si Ivana sa kanyang social media account ng mga larawan niya sa kanyang walk-in closet at kamakailan lang ay may-post din si Dan ng kanyang OOTD na mapapansin ang parehong closet.
Inisip tuloy ng netizens kung iisang bahay ang kinunan noon at ngayon o sadyang magkapareho lang?
May nagsabing iisang bahay lang ito dahil magkarelasyon naman daw noon sina Dan at Ivana.
Sa YouTube channel na “Showbiz Update” nina Ogie Diaz kasama sina Ate Mrena at Tita Jegs na ibinandera noong Huwebes, July 4, ay tinalakay nila ang isyung ito.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi sinopla ang bashers, totoong may bahay sa Bahrain: Inggit lang kayo!
“Parehong closet? Ibig sabihin itong kuha ni Dan noong 2023 at kuha ni Ivana ay ‘yung iba ay ipinapalagay na nagkaroon talaga sila ng relasyon kasi sa pagkakapareho ng closet,” sey ni Ogie.
May ipinakitang komento ng netizen, sa SU, “My tita is friends with Dan Fernandez’s brother’s wife and said that Ivana and Dan actually have something going on. They’re actually living together.”
Hirit ni Ate Mrena, “Ang tanong kuy, naging sina Ivana ba at Dan Fernandez (pinakita larawan nina Ivana at Dan)?”
“’Yan ang sinasabi noon pa kasi tingnan mo ang pagkakapareho ng closet,” katwiran ni Ogie.
Hindi pa rin tumigil si Ate Mrena, “At tsaka ‘yung isyu na may anak na raw sila ni Dan Fernandez?”
“Lumalabas ‘yan pero walang pag-amin mula kay Ivana Alawi at kay Dan Fernandez. Parang nagpa-pictorial ‘yung pamilya ni Ivana tapos mayroong isang bata roon na parang ang sabi, e, anak ng ate niya,” kaswal na kwento ni Ogie.
Sabi ulit ni Ate Mrena, “Kuya, hawig din ni Dan Fernandez!”
“Anong gusto mong palabasin, Mrena?” tanong ni Ogie.
“Hindi kuya sinabi ko lang hawig, hindi ko naman sinabing iyon ang anak!” diin ni ate Mrena.
Sang-ayon naman si Tita Jegs, “Oo nga ‘te, iyon naman talaga ang sabi niya (sabay turo kay ate Mrena).”
“Unang-una walang pag-amin at wala ring denial. Ang naririnig ko lang kay Ivana nu’ng in-interview siya ni Kuya Boy (Abunda) tungkol kay Dan Fernandez. Ang sabi niya, magkakilala sila at ayaw niya sa babaero,” kaswal na sabi ni Ogie.
“Anong ibig niyang sabihin ‘te, babaero si Dan Fernandez?” tanong ni Tita Jegs.
“Chika naman daw sila, ‘yun ang sinabi ni Ivana ha, hintayin natin si Ivana kung ano ang sasabihin niya do’n kasi mahirap din naman kasi unang-una kung sakaling anak ni Ivana ‘yun or kung sakaling may anak na si Ivana kay Dan Fernandez (pakita ng mga larawang karga ni Ivana ang batang lalaki) or kaninuman bakit naman hindi ipagmamalaki ni Ivana ‘yun , lumabas ‘yun sa kanyang sinapupunan, bakit kailangang itago ‘yun? Hindi mo maitatago habambuhay ‘yung iyong anak? Hindi lang si Ivana lang pinag-uusapan natin, kahit kaninong magulang,” paliwanag mabuti ni Ogie.
Ibinigay niyang halimbawa si Aubrey Miles na binate na ang anak niya ngayon pero nu’ng nagpapa-sexy pa siya ay hindi raw nito inaming may anak na siya pero nu’ng inamin na raw ay malaya na nitong naisasama ang first born niya kahit saan sila magpunta.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Ivana tungkol sa isyung may anak sila ni Dan Fernandez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.