Bong Revilla sa pagkamatay ni Lolit Solis: Para akong nawalan ulit ng nanay

NAGLULUKSA ang aktor at dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pagkamatay ng talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang tribute para sa namayapang talent manager.
“Paalam Nanay Lolit. Pahinga ka na. Wala nang sakit; wala nang hirap. Sobra kitang mami-miss,” saad ni Bong sa kanyang post.
Labis rin niyang ipinagpapasalamat ang maraming beses na pagdepensa at pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya ng yumaong kolumnista.
Baka Bet Mo: Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, helpless, weak ka
“Maraming salamat sa pagmamahal at pagkalinga. You have been a solid rock for me, a staunch defender, and most importantly – a mother who took care of me and my family up to your last days with us. Para akong nawalan ulit ng nanay,” pagpapatuloy niya Bong.
Ibinandera rin niya ang naging ambag ni Manay Lolit sa industriya ng showbiz.
“Napakalaki mong kawalan sa napakaraming taong nahaplos ng iyong pagmamahal, gayundin sa industriya to which you dedicated your entire life,” lahad pa ni Bong.
Nagpaabot naman siya ng mensahe ng pakikiramay sa mga naulila ni Manay Lolit.
“Ang aming taus-pusong pakikiramay sa lahat ng iyong naiwan. Lahat kami ay nagluluksa. Mahal na mahal ka namin,” dagdag pa ni Bong.
Namayapa si Lolit Solis nitong Huwebes, July 3, sa edad na 78.
Si Manay Lolit ang nagsilbing pangalawang ina ni Bong sa kanyang showbiz journey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.