Maris Racal ayaw munang magka-lovelife, work daw muna: ‘I need some space to grow’

SA part two ng panayam ni Maris Racal sa YouTube vlog ni Karen Davila, inamin ng aktres na ang pamilya niya ang nagpapalakas sa kanya sa panahong may kinasangkutan siyang gulo.
“Sila ang pinakamalaking reason kung bakit nandito pa rin ako and what makes me strong also is prayers. I start the day with prayer and ended with prayer,” seryosong kuwento ni Maris.
Marami siyang naging realization, “A lot, you have to value people, value their time, value their efforts, and proper communication talaga is the key to peace.”
At kahit okay na ang lahat sa kanya ay nakaramdam pa rin siya ng anxiety, “At that time I was driven by anxiety even though things were okay, so, my choices when I look back, I guess I would also say that, ‘relax Maris, relax breathe, everything will be fine, you just breathe.’ I have a therapist and have a psychiatrist medyo hindi na kami (nagkikita), hi po doc, ha, ha I know kailangan na nating mag-usap pero okay ako ngayon, doc (sabay thumbs up).”
Baka Bet Mo: Maris Racal ‘di pinangarap mag-artista noon, thankful na nakinig sa gusto ng ina
Umamin din ang aktres na may mga gamot siyang iniinom noong dumaan siya sa pangangalaga ng psychiatrist at laking tulong iyon sa kanya.
“And meditation, nagpapatugtog ako ng frequency na mga music, journal. (Journal), it really made my mind organize kasi whatever the fuss that’s in here (sabay turo sa ulo) nasusulat ko and then it’s gone, ang corny mang pakinggan, ano ba ‘yang journal-journal na ‘yan pang bata lang ‘yan but it helps kasi nababalikan mo hindi mo lang nadadaanan ‘yung feelings mo, (pag binasa ulit), ay ito pala ang nangyari sa akin? Okay na ako ngayon ‘te, okay na ako, ha, ha, ha,” paglalarawan ng aktres kung paano rin siya naka-move on.
Samantala, tawang-tawa si Karen sa pag-amin ni Maris na walang alam ang magulang niya sa mga projects niya dahil hindi niya sinasabi.
“Sila ‘yung parents na laid back lang. I think hindi nga nila alam (may mga awards at citations, lalo na sa pelikulang ‘Sunshine’ mula sa iba’t ibang international film festivals) kasi hindi ko sinasabi about my projects, ang alam lang nila ‘Incognito,’ ‘Incognito,’ ha, ha, ha,” chika ng dalaga.
Sa kasalukuyan ay single ang estado ni Maris at hindi rin siya available to mingle.
“I want to stay single I feel I need to give myself some space to grow and to really process everything. I don’t know, but that’s what I’m saying now but I don’t know about tomorrow,” pahayag ng aktres.
Tulad ng karakter na ginampanan niya sa “Sunshine” na isang palaban na gymnast ay ganito rin si Maris sa totoong buhay, matapang, matatag, at palaban sa lahat ng pagsubok.
“I love my dreams so much na kahit na anong problema, kahit anong pagsubok gagawin ko. I love my dreams, I love my job everything about this gagawin ko lahat para matupad ‘yung pangarap ko (that’s why) I’m thankful to all my supporters to all the production houses that gave me job, for my directors, and my colleagues,” aniya.
At dahil sa pangarap na ito ni Maris ay nabuo sa isipan namin na kaya ba siya nakipaghiwalay noon kay Rico Blanco dahil marami pa siyang gustong marating in terms acting?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.