Asawa ni Emil Sumangil nanawagan ng dasal, nababahala sa kaligtasan ng mister

MARAMI ang nag-aalala ngayon sa kaligtasan ng Kapuso broadcast journalist na si Emil Sumangil matapos ang kanyang naging panayam sa whistleblower sa kaso ng mga missing sabungeros.
Matatandaang eksklusibong nakakapanayam ng “24 Oras” anchor si Julie Dondon Patidongan o si Alyas Totoy tungkol sa pagkawala ng mga sabungero mula pa noong 2021.
Mas lalo pang tumindi ang pag-aalala ng mga netizens matapos ang pagbabahagi ng asawa ni Emil sa kanyang Facebook account ng personal prayer para sa kaligtasan ng mister.
Nitong Biyernes ng gabi, July 4, nag-post si Michelle Sumangil ng kanyang pasasalamat sa mga taong nagmamalasakit sa asawa.
Baka Bet Mo: Pinsan ni Emil Sumangil na si Philipp Santiago pumanaw sa Mount Everest
“We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safety and protection of my husband, Emil Sumangil.
“Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time,” saad ni Michelle.
Kasunod nito ay ang kanyang personal na dasal para sa kaligtasan ni Emil.
“Dear Lord, thank You for Your constant protection and grace. We lift up Emil into Your loving hands. Surround him with Your divine shield and keep him safe from harm. May Your peace reign in our hearts as we trust in Your perfect will. Amen.
“No weapon formed against you shall prosper…” – Isaiah 54:17.”
Mababasa rin sa post ng asawa ni Emil ang mga hashtags na #ProtectEmilSumangil #CoverHimInPrayer#TruthWillPrevail at #JournalismWithCourage.
Sa kanyang Instagram page ay muling nanawagan si Michelle.
“With all humility, I ask for your prayers for my husband, Emil Sumangil.
“After his recent interview with a key figure in the case of the missing sabungeros, many have expressed concern for his safety.
“Emil is simply doing what he was called to do — to seek truth, to serve the people, and to give voice to the unheard.
“Please join me in praying for his protection, strength, and courage as he continues this mission. May the Lord surround him with divine covering and peace in the days ahead,” ani Michelle.
Nag-post na rin si Emil sa kanyang Facebook account at nagpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.
“Nakarating po sakin ‘to… ako po’y nagpapasalamat sa pag-aalala inyo.
“Salamat, Mahal na Diyos Ama. #InGodWeTrust,” sey ni Emil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.