Julia Barretto, Enrique Gil spotted sa isang resto, may nilulutong reunion project?

MAGKAKAROON na ba ng reunion project sina Julia Barretto at Enrique Gil?
Ito ang tanong ng maraming fans at netizens matapos mag-viral sa social media ang picture ng dalawa na magkasama sa isang restaurant.
Ang kasama nila ay si Ranvel Rufino na manager ng aktor at nag-post ng pictures kasama ang dalawa.
Ang caption niya, “Merienda with Jules!”
Baka Bet Mo: Sweet kina Julia at Enrique: Walang arte ang mga bagets!
Bukod diyan, may IG post din ang film production na Project 8 Projects na tila nagbigay ng clue na may gagawing silan proyekto kasama ang dalawang artista at ang talent management na MQuest Ventures.
Naka-tag pa nga sa nasabing post ang dalawang sikat na direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.
Sa comments section, maraming fans ang tila super excited na para kina Julia at Enrique, habang ang ilan naman ay inalala ang dating teleserye na pinagtambalan ng dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Excited much tagal na sila walang project together since 2014”
“Wow! Mukhang may new project silang pagsasamahan! [red heart emojis]”
“Mirabella Part 2? [shocked emoji]”
“Bakit kinilig ako, make project please.”
“Ayan na! QUENLIA feels [happy face with heart eyes emoji]”
Kung matatandaan, taong 2014 nang magtambal sina Julia at Enrique sa TV series na “Mirabella.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.